CHAPTER 3

20.3K 573 27
                                    

CHAPTER 3






CHAPTER 3



DUMATING ang araw ng linggo at tanghali na ng magising ako.


Bigla kong naalala ang text sa akin ni manang na magkita raw kami sa labas ng Tutuban Mall ng hapon kaya napag-pasyahan kong kumilos na para mamaya ay aalis na lamang ako.



"Swiss!" Tawag ko sa alaga kong aso.



Nagtatakbo ito palapit sa akin kaya nag-indian seat ako sa sahig para makarga siya, "Gutom ka na, baby?" Tanong ko.



Kumahol siya ng isang beses na ang ibig sabihin ay tama ang sinabi ko kaya tumawa ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina upang ipaghanda siya ng makakain niya.



"Eat well," wika ko sabay himas sa ulo niya habang kumakain.



Bumalik ako ng kwarto upang maligo na, maga-ala una na ng hapon kaya kailangan ko nang magmadali.



Natapos ako sa paghahanda eksaktong alas dos kaya kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at mabilis na ni-lock ang condo unit ko.



Dala-dala ko si Swiss dahil walang magbabantay sa kanya habang wala ako. Mabilis kong tinungo ang basement kung saan naka-park ang sasakyan.



"Ms. Alonzo, here's your parking card." Wika ng parking attendant na nasa floor kung saan ako nag-park.



Ngumiti ako at kinuha ang card, "Thank you." Wika ko pagkatapos ay sumakay na sa aking sasakyan.



Agad akong nag-drive papuntang Tutuban Mall dahil doon kami magkikita ni manang.



Nakakapagtaka lamang kung bakit ayaw niyang ipasabi kila Joanna ang tungkol sa pagkikita namin.



Nasaktuhan pang traffic kaya naisipan kong kumuha ng isang papel at ballpen isinulat ko sa papel ang 'Magkikita kami ni manang' at inilagay sa compartment ang papel.



Para kung sakaling may mangyaring masama sa akin ay may ebidensya na si manang ang huling kinita ko.



Hindi naman sa nagdududa ako pero mabuti nang sigurado. Isa lang 'yan sa mga natutunan ko sa Japan, mabuti nga at nakakilala ako ng mababait na mga tao doon.



Nang makarating ako ay tinext ko na si manang na nandito na ako sa parking lot ng Tutuban Mall.



Hindi ito nag-reply kaya lumingap ako sa paligid, napagpasyahan kong magtungo sa loob at baka sakaling busy lang sa pagtitinda kaya't nagtungo ako sa stall niya.



Ngunit laking gulat ko nang makitang sarado ang stall at walang tao doon na namumukhaan ko.



"Grace?" Napalingon ako nang marinig ang boses ng isang babae na tumawag sa akin.




Ang akala ko ay si manang na ngunit nakita ko ang isang pamilyar na dalagita na sa pagkakatanda ko ay pinakilala ni manang sa akin bilang apo niya.




Kumunot ang aking noo, "Gemini, 'di ba?" Tanong ko.




Walang ekspresyon ang kanyang mukha na lumapit sa akin, "Ang sabi sa akin ni lola, hintayin raw kita dito at ibigay sa'yo 'to." Aniya sabay abot sa akin ng isang papel. May earphone pa ring nakasukbit sa kanyang tenga.




Kinuha ko ang papel at binuklat, binasa ko ang nakalat doon at laking gulat nang maintindihan ang kabuuan nang nais niyang iparating.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now