CHAPTER 17

14.4K 562 43
                                    

CHAPTER 17






"YOUR FAMILY SUCKS." Wika ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.






Nakarating na kami sa condo at dumiretso kami sa unit ko dahil nagugutom na ako, ang sabi niya ay mag-drive thru na lang raw kami ngunit hindi ako pumayag dahil alam ko ay nagluto si Gemini ng hapunan.






"I know." Tugon niya.






Natawa ako, "Magpalit ka muna, sabay na tayo kumai--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at tumayo na.






"I can't join you for dinner, I have an emergency matter to attend to." Aniya.






"At this hour?" Tumingin pa ako sa orasan at iminuwestro na maga-alas dose na ng gabi.






"Emergency." He said.






Tumango ako, lumapit siya sa akin at binigyan ako ng saglit na halik sa labi bago nagpaalam na aalis na.






Naiwan ako sa kusina ng unit ng mag-isa.






Paniguradong tulog na si Gemini dahil maaga ang pasok niya bukas.






Kumain na lamang ako at pagkatapos ay naligo na ako upang maghanda sa pagtulog.






Papasok na ako bukas ng clinic dahil binabalak kong bumili ng bagong cellphone pamalit sa basag-basag kong ginagamit ngayon. Balak ko ring bumili ng regalo para kay Nads dahil birthday niya sa susunod na linggo.






MABILIS na lumipas ang mga araw, naging natural naman ang relasyon namin ni Lazarus. Pinanatili namin ang komunikasyon kapag hindi kami magkasama at ang maayos na pag-uusap sa tuwing magkikita kami.






Mamaya ay may plano kaming kumain ng dinner sa isang Japanese Restaurant kung saan kami kumain no'n kasama si Gemini.






Sumang-ayon ako dahil 'yon naman talaga ang plano namin kahit noong kinabukasan pa lang pagkatapos naming magtungo sa Death Anniversary Event ng lola niya kung saan ko tunay na nakita ang ugali ng mga magulang niya.






Wala rito si Gemini sa unit ngayong gabi dahil ang alam ko ay may group project na ginagawa sila sa bahay ng kaklase niya at ipinaalam na sa akin ng magulang ng kaklase niya na doon muna siya matutulog ngayong gabi dahil sabado naman kinabukasan.






Hindi sana ako papayag ngunit sabi ni Gemini ay kaibigan naman raw niya ang kaklase niya at may tiwala raw siya dito, ibinilin ko na rin sa magulang nung bata na kapag nagkaproblema ay tawagan agad ako.






Naglalagay ako ng make up sa mukha nang mag-vibrate ang bagong biling cellphone ko nung nakaraang linggo.






Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Lazarus.






Lazarus,

I'm on the way, do you want me to buy something for you?






Magrereply na sana ako nang biglang may tumunog ang doorbell ng unit.






Mapahinto ako sa ginagawa ko, ang bilis namang dumating ni Lazarus?






Tumayo ako at lumabas ng kwarto, agad kong tinungo ang pintuan ng unit at pagkabukas ko ay bumungad sa akin sila Joanna at Andrea at Lorenz na nakatayo sa tapat.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon