CHAPTER 18

13.5K 454 20
                                    

CHAPTER 18




"JO," Tinatawag ko si Joanna na kanina pa nakikipag-usap kay Karen tungkol sa buhay may pamilya.




"Ano?" Tanong niya. Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat si Ejay.




"Gago, 'di ba si Nica 'yon?" Aniya sabay turo sa 'di kalayuan na mga taong nagsasayaw.




Dumapo ang paningin ko sa isang payat na babae na tila nakikipagsayaw sa isang foreigner. Pinakatitigan ko 'yon at namataan na si Nicca nga.




Ang kaklase namin noon na nakaaway namin pareho ni Jona. Secretary siya ng section namin noon at President naman si Ejay at Vice-President si Joanna.




"Kala ko yung jowa niya nung high nakatuluyan niyan?" Tanong ni Karen.




"Oo nga, gago. May anak na nga raw ang dalawa na 'yon e," sagot naman ni Yang.




"Eh sino 'yang kasama niyang foreigner?" Tanong ni Karen.




"Baka kasayaw lang, judgemental kayo." Ani Ervin.




"Kahit na, may asawa't anak na siy--" Magsasalita pa sana si Nads ngunit agad ko siyang pinigil.






"Palibhasa kase 'di uso sa'yo sayaw e, kapag may nakilala ka sa club landi agad e." Wika ko.






"Gago." Wika niya.






"Totoo naman." Tugon ni Marvin.






"May point." Wika naman ni Joanna sabay kibit-balikat pa.






"Tangina niyo." Tila nagpipigil na wika ni Nads bago tumungga muli ng panibagong shot.






Kabaliktaran ng tila kalmado kong mukha ang nararamdaman ko dahil kanina pa nagba-vibrate na cellphone ko.






"CR tayo," yaya ni Joanna ngunit hindi ako sumama.






Mabuti nang nag-iingat dahil sa oras na tumayo ako dito ay magkakaroon ng tsansa si Lazarus na lapitan ako. Sa palagay ko kase ay talagang galit ito base pa lang sa paraan niya ng pag-construct ng salita niya sa text.






Hindi sa natatakot ako pero kung mayroon mang ayokong makita ay ang galit niyang ekspresyon.






Ilang beses ko na siyang nakikitang galit pero hindi galit na galit.






Naiwan kami nila Lorenz, Marvin, Ejay at Ervin sa table dahil magkakasama sila Nads na nagtungo ng CR.






"Ba't namamaga kamay mo?" Tanong ko nang mapansin ang kamao ni Ejay na tila namumula at may kaunting bahid ng dugo.






"Nakipagsuntukan 'yan kanina sa dance floor nung wala pa kayo." Kwento ni Marvin.






Kumunot ang noo ko, "Nanggulo ka na naman?" Tanong ko.






"Gago, may binabastos kase kanina sa dancefloor na babae. Kung ano-ano narinig ko na sinasabi kaya nagpintig tenga ko." Paliwanag ni Ejay.






Tumawa ako, "Goods 'yan." Dugtong ko pa.






"Tangina kung makapangbastos ng babae akala mo walang nanay. Kung hindi lang talaga ako inawat ng bouncer baka sa ICU na tumuloy 'yon." Tila naiinis na paliwanag pa niya.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu