CHAPTER 34

11.9K 477 42
                                    

CHAPTER 34






"SINO BA ANG MGA 'YON?" Rinig kong tanong ni Aliza habang nakatingin sa likuran ng umaandar na sasakyan.





Tumawa ako ngunit mas lalong gumuhit ang kirot sa buong katawan ko, "Y-You can't j-just hurt me and get a-away that easy." Nakangising wika ko.





Nakatutok pa rin sa akin ang baril ni Chroma, "Kung ito man ang huling sandali ng buhay ko, sisiguraduhin kong magsasama tayo hanggang impyerno." Aniya.





Nanatili ang ngisi sa labi ko habang nakapikit, "N-Nagkakamali ka... K-Kung may mamamatay d-dito, ikaw at ang m-mamamatay tao mong a-ama..." Wika ko.





Tila nabigla siya nang marinig ang sinabi ko, miski si Aliza ay ganoon rin ang reaksyon kaya't ginamit ko ang pagkakataon na 'yon upang gamitin ang inipon kong lakas upang tadyakan ang likuran ng upuan ng driver's seat at walang hirap na baliktarin ang sitwasyon.





Inaagaw ko ang baril ni Chroma at mabilis na itinutok sa kanya.





Ngunit bago ko pa makalabit ang gatilyo ay isang malakas na impact ang tumama sa sasakyan.





Ni-hindi ko nakita kung saan nanggaling ang malakas na pagsalpok ng isa pang sasakyan na tumama sa amin.





Isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sa mata ko hanggang sa naramdaman ko na lamang na nakahinto na ang sasakyan at umuusok na ang unahan nito na nakasalpok sa isang malaking puno.





Hindi ko maimulat ang mata ko at kahit na anong pilit kong makabangon ay tila may mabigat na nakadagan sa aking paa.





Nakarinig ako ng mahinang mga pagdaing at kaya't binuhos ko ang lahat ng lakas ko sa para makakilos at makalabas ng sasakyan.





Hindi ko alam kung sino ang mga nakasunod kanina ngunit kung tama ang hinala ko ay hindi ko na kakayanin pang lumaban sa kalagayan ko.





Gumapang ako palabas ng sasakyan, napalingon ako sa unahan at may makapal na usok na lumalabas dito hudyat na may tsansang sumabog ito.





Nilingon ko ang nasa loob at una kong nakita ang walang malay na si Aliza, duguan ang ulo nito at may malaking tubo na nakadagan sa kanyang binti.





Pinilit kong tumayo, ako lang ang minor ang tinamo sa lahat ng nakasakay sa sasakyan. Mahapdi lamang ang ulo ko at nagagalaw ko pa naman ang katawan ko.





Iika-ika akong naglakad ngunit bago pa ako makalayo ay natigil ako nang marinig ang boses ni Chroma.





"A-Al... A-Aliza..." Naghihingalong wika ni Chroma.





"T-Tulungan mo si A-Aliza..." Dugtong pa niya.





Tinignan ko ang kalagayan niya at nakitang ang dulo ng tubong nakadagan kay Aliza ay nakatusok sa tagiliran niya.





Puro bubog ang kanyang ulo at halos naliligo na sa sarili niyang dugo.





Walang pag-aalinlangan kong tinadkayan ang pintuan na nilabasan ko upang mailabas si Aliza, buong lakas ko siyang hinatak palabas ng sasakyan at dinala sa gilid ng bangin kung saan sumalpok ang sasakyan sa issng malaking puno.





"S-Si kuya.." Namamaos at walang siglang wika ni Aliza nang magkamalay habang pilit na ginaganap ang pabalik sa umuusok na sasakyan kung nasaan ang nakatatanda niyang kapatid.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now