CHAPTER 8

16.9K 631 99
                                    

CHAPTER 8







"WHERE IS HE?" Rinig kong tanong ni kuya Faris habang nakatingin sa likuran ko.






Agad akong lumingon upang tignan kung sino ang pumasok, nakita kong prenteng naglakad papasok si Lazarus habang gumalaw ng bahagya ang kanyang panga na tila mainit ang ulo.






Hindi siya sumagot at dumiretso sa kanyang upuan, lumipas ang oras at nagpasya na silang umuwi. Nasa parking lot na kaming lahat at pasakay na sila sa kani-kanilang sasakyan.






Kinalabit ko si kuya Cassius, "Nasaan si Caspian?" Tanong ko.






Siya kase ang maghahatid sa akin pabalik ng Clinic dahil nandoon ang sasakyan ko.






"Oh, emergency." Sagot niya.






Nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko 'yon, mula sa unknown number ang nag-text.






Unknown number,

Sorry, I had an emergency. Sinabihan ko na sila Cassius na ihatid ka sa Clinic. Sorry, bawi ako sa susunod, baby.






"He texted you?" Tanong ni kuya Cassius.






Ngumiti ako sa kanya, "Oo. It's fine, magta-taxi na lang ak--"






"No, it isn't safe for a woman to ride taxi at night, Joanna will kill me for letting her friend go home alone." Biglang singit ng asawa ni Joanna.






Lahat sila ay napatingin kay Lazarus na ngayon ay naninigarilyo. Nilingon niya kami at tsaka dumako sa akin ang paningin niya na ngayon ay tila wala pa rin sa mood.






Hinagis niya sa lupa ang sigarilyo niya at tsaka walang sabing inapakan.






"Let's go." Tipid na wika niya bago naglakad papuntang sasakyan niya. Humarap akong muli kila kuya Faris.






"Thank you for the food, I enjoyed it." Wika ko.






May sinabi pa sila ngunit hindi ko na naintindihan, nagpaalam muna ako bago ako nagtungo na sa sasakyan ni Lazarus.






Nasa driver's seat na siya kaya binuksan ko ang passenger seat sa tabi at sumakay.






Sumalubong sa akin ang amoy ng mint sa loob ng sasakyan niya. Mabango ito ngunit hindi pa rin nakatakas ang amoy ng sigarilyo na sa tingin ko'y kumapit na sa kanya.






"Sa Clinic ko na lang, nandoon kase yung sasakyan ko." Wika ko.






"It's late, I'll just take you to your clinic tomorrow." Suwestyon niya.






Napatango ako, "Ikaw bahala." Mas inisip kong makalibre ako bukas, tsaka para hindi na rin ako magpa-gas.






Tahimik ang byahe namin, ngunit habang nasa kalagitnaan ay biglang tumunog ang tyan ko.






Tumikhim ako at tumingin sa labas ng bintana upang itago ang hiya, paano ba naman kase ay nailang akong kumain kanina.






Tangina kase ng Caspian na 'yon, akala ko ay kami lang dalawa, 'yon pala ako lang ang babae. Gago siya, 'di tuloy ako nakakain ng maayos.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful Ephemeralजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें