CHAPTER 43

19.6K 621 155
                                    

CHAPTER 43





"MA'AM? Ikaw nga!" Wika ni manong nang mamukhaan ako.




"Isang pares po." Wika ko.




Wala pa siyang costumer dahil mangilan-ngilan pa lang ang mga tao sa paligid at lahat ay puro nga turo-turo at inihaw ang mga kinakain.




Agad niya akong sinandukan ng order ko, katulad noon ay nakatayo pa rin at humahalimuyak sa ilong ko ang umuusok na amoy ng pares.




"Nako, ma'am, tagal mong 'di nadaan dito ah." Aniya.




"Na-busy lang po." Tugon ko.




Nagsimula akong kumain at si manong ay hindi naman nawalan ng kwento habang kumakain ako. Daig pa ang ale sa palengke sa dami ng chismis na kwinekwento sa akin.




"Alam mo ba, ma'am, napa-graduate ko na yung bunso ko noong nakaraang buwan. Lahat ng mga anak ko, napagtapos ko dahil lang sa pagtitinda ko dito hanggang madaling-araw." Aniya, bahagya kaong napangiti.




"Nasaan na po ba yung asawa mo?" Tanong ko.




Ang asawa niya ang kanina pa niya bukang bibig, sa paraan ng pagkislap ng mata niya habang binabanggit ang pangalan ng asawa ay alam ko nang mahal na mahal niya ito.




"Nandoon," Nakangiti niyang tinuro ang kalangitan kaya napagtanto ko ang ibig niyang sabihin.




"Pasensya na po." Wika ko.




Bahagya siyang tumawa, "Mahal na mahal ko 'yon, siya ang una at huling babae na minahal ko ng buong puso ko. Kaya noong nakita ko siyang nanghihina sa ospital at pilit na lumalaban para sa amin," Bahagya siyang tumigil.




"Sabi ko, 'Mahal, pahinga ka na..." Nakita ko ang malungkot na ngiti sa kanyang labi na tila sumasalungat sa kislap sa kanyang mata.




"Pagkatapos kong sabihin yung apat na salita na 'yon, ngumiti siya. Yung ngiti na parang sinasabi sa akin na kampante na siyang umalis kase alam niyang kakayanin ko. Nagtiwala siya sa akin kaya ginawa ko yung lahat ng kaya ko para ipagpatuloy 'tong pagtitinda, kase siya ang dahilan nito. Ito yung unang putahe na pinagsaluhan namin noon." Tumawa siyang muli.




"Kaya ito, kahit napagtapos ko na lahat ng mga anak namin, hindi ako tumigil sa pagtitinda." Aniya.




"Masaya ka ba?" Wala sa sariling tanong ko.




Sinalubong niya ang tingin ko at ngumiti, "Alam mo, anak... Hindi naman natatapos ang pagmamahal dahil lang magkahiwalay kayo. Minsan, kung gaano katagal yung mga oras na nakakaya niyong magkahiwalay, mas patitibayin lang no'n yung pagsasama niyo sa tamang panahon." Wika niya.




"Kaya kung gusto mong malaman kung masaya ako, kaya kong sabihin sa'yo na oo. Masaya ako kase alam kong hinihintay niya ako. Hindi ko man siya mayakap ngayon, hindi ko man maranasan yung matulog ng katabi siya, at least alam kong nasa maayos na kalagayan na siya ngayon. Alam kong masaya siyang panoorin ang mga anak namin na lumaking may mabuting puso." Bumuntong hininga siya.




"Yung saya sa pakiramdam na malamang masaya yung taong mahal mo, 'yon ang tunay na kasiyahan." Nakangiting aniya.




"Oh, sinangag ka pa?" Tanong niya nang makitang ubos na ang pagkain ko.




Tumango ako at inabot ang tasa ko ng sinangag, "Dinagdagan ko na ng bawang 'yan ah." Wika niya sabay bigay sakin pabalik ang tasa.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralDonde viven las historias. Descúbrelo ahora