CHAPTER 40

14.3K 507 71
                                    

CHAPTER 40







NAGISING ako nang makarinig ng mga boses ng mga lalaki.






"Her friends wanted to travel all the way here from the Philippines just to visit her." Pamilyar ang boses ng mga ito kaya't napagpasyahan kong imulat ang aking mata.






"And what did you say?" Nang tuluyan kong maimulat ang aking mata ay unang bumungad si Caspian na nasa tabi ko.






"I told them to just wait in the Philippines, after she regain her consciousness, we'll bring her home." Sagot ni Caspian.






Nang makita niya akong nagmulat ng mata ay agad niyang sinabi 'yon kay kuya Cassius na kasama niyang nandito sa kwartong kinalalagyan ko.






"Anong nararamdaman mo?" Tanong ni kuya Cassius nang makalapit sa akin.






Hindi agad ako nakapagsalita at sinapo ang noo ko nang makaramdam ako ng hilo, "That's normal, you have a fever because of your wounds." Paliwanag niya.






"Is she alright?" Napatingin ako nang marinig ang pamilyar na boses na nagsalita.






Nang makita ko kung sino 'yon ay agad na kumunot ang noo ko.






"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nagkatinginan si Caspian at kuya Cassius.






"He's visiting you." Si kuya Cassius ang sumagot.






"I know you're related to each other that he doesn't have anything to do with me so please ask him to leave." Pakiusap ko.






Narinig kong tumawa ang matandang lalaki at tsaka naman pumasok ang isa pang matandang lalaki na kamukhang-kamukha niya.






"Oh, she's awake." Nakangising wika nito.






Hindi na ako nagulat sa nasaksihan ko, noong mga unang beses pa lang na pagkikita namin ay may hinala na ako base sa paraan ng pagsasalita at personalidad nila.






"You're not surprised?" Tanong ng matandang lalaking bagong dating sa akin.






"Hindi ako tanga para hindi mahalatang dalawang tao ang nakakatagpo ko sa magkakaibang araw at lugar." Paliwanag ko.






Walang sabing naupo ako kaya't agad na nabigla si kuya Cassius at Caspian.






"Are you stupid? You're not fully recovered!" Bulyaw ni Caspian.






Umalingawngaw ang tawa ng matandang lalaki na bagong dating pagkatapos ay naupo siya sa tabi nung isa pang matandang lalaki na kamukhang-kamukha niya.






"She's really incredible!" Wika nito habang tumatawa pa rin at sinisiko ang kamukha niya.






"So who's Caelus Fortalleje?" Tanong ko sa dalawang matanda.






Nagtaas ng kamay ang matanda na bagong dating, ang personalidad niya ay palatawa at mahahalata mo agad na magkaibang tao sila dahil ang isa naman ay may pagkaseryoso ngunit malamlam ang ekspresyon ng mukha.






Hindi nakakapagtaka na namana ni Caspian at kuya Cassius ang ugali ng dalawang matanda.






"So who's gonna explain everything to her?" Tanong ni kuya Cassius.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon