CHAPTER 31

12.2K 426 43
                                    

CHAPTER 31





"MAKINIG KAYO," Wika ni Mischief nang huminto ang sinasakyan naming limousine.





Huminto ito sa tapat ng isang malaking hotel na pinaghalong pula at ginto ang kulay, ginawang Auction House ang hotel na 'to at pinamamahalaan ng mga nakaupo sa gobyerno. Maraming mga sasakyan na nakasunod upang makapasok rin sa hotel at marami rin ang mga lalaking malalaki ang katawan na nakabantay.





"Bago matapos ang gabi na 'to, ang tanging kailangan niyo lang gawin ay dalhin sa akin ang bagay na pinag-usapan natin." Aniya habang umuusok ang bibig dahil sa hinihithit na tobacco.





Bumukas ang pintuan ng limousine at unang lumabas ay si Chroma, maayos ang itsura niya sa suot niyang tuxedo hindi katulad ng nakagawian niyang sinusuot na itim na mga damit.





Maraming mga tao na mga naka-formal attire ngunit karamihan ay mga matatandang lalaki na kilala rin sa ilalim na parte ng mundo.





Nang lumabas si Mischief ay nagsiliparan ang tingin ng iba na may mga kasama ring bodyguard.





Inorganisa ang Auction Bidding Party para maibenta ang mga bagay na pinag-aagawan ng mga mayayamang mga grupo sa buong mundo at isa sa pinakamainit sa mata ng mga organisasyon ay ang 21st Pandora's Box na kasama sa auction.





Naging mainit ito sa mata ng mga organisasyon nang kumalat ang balita sa madilim na parte ng mundo ang laman nitong flash drive na pwedeng magamit laban sa limang organisasyon na nangunguna ngayon at kasama ang organisasyon ni Mischief doon.





Kaya't isa sa mga napagpasyahan ni Mischief ay ang pagsali sa taunang Auction Bidding Party.





Taon-taon ay ang sangay ni Chroma ang dumadalo sa mga ganitong private event kasama ang ibang mga grupo dahil alam ni Mischief na iiwan ko ang organisasyon ngunit nang malaman niyang napagpasyahan kong manatili ay wala nang dahilan para itago pa ako.





"Focus on your work." Wika ni Chroma habang naglalakad sa magkabilang likod ni Mischief.





May mga nakasunod sa amin na mga tauhan ni Chroma, "Hindi mo kailangang ipaalala." Tugon ko.





Siya ang nakatagala sa kaligtasan ni Mischief at ako ang nakatalagang sumali sa bidding.





Huminto kami nang makipag-usap si Mischief sa isang kakilala niyang matandang lalaki rin na kapareho niya ng pangangatawan. Matangkad rin ito at unang tingin ay talagang nakakapangilabot.





Nang matapos silang mag-usap ay naupo kami sa isang table na nakalaan para sa amin, nasa kaliwa ako at isang upuan ang pagitan namin ni Mischief at nasa kanan niya naman si Chroma.





"Remember all the faces that you will meet here. Isang araw, hindi malayong makaharap mo ulit ang isa sa kanila pero may kasama nang mga dugo." Nananatili ang tingin ni Mischief sa mga taong nasa paligid ngunit alam kong para sa akin ang sinabi niya.





Ininom niya ang alak na nasa wine glass niya at humalakhak, "Gusto mo bang malaman kung bakit ko napagpasyahang isali ka?" Wala sa oras niyang tanong.





Nakuha niya ang atensyon ko ngunit nanatili ang presko kong upo sa upuan at ang walang emosyon kong ekspresyon sa mukha.





"Dahil ang pinaka nakakapangilabot na tao sa mundo ay ang mga taong wala nang rason para mabuhay. At hangga't buhay ka pa, ang tanging gagawin mo lang ay maging aso ko." Wika niya.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now