CHAPTER 24

13.8K 410 13
                                    

CHAPTER 24



PAUWI na kami ngunit kanina pa walang imik si Lazarus habang nagmamaneho.



Ang kotse ko ang gamit namin pauwi dahil pinaiwan niya ang sa kanya, ipapakuha na lang raw niya kay Mang Berto mamaya.



"Paano pala kayo nagkakilala ni Red?" Tanong ko.



Hindi siya nagsalita at nanatili ang tingin sa daan na parang walang narinig. Tinignan ko si Gemini sa likod na nakatulog sa kakaiyak kanina.



"Huy, may problema ba?" Tanong kong muli.



Sa pagkakataon na 'to ay sumagot na siya, "Why didn't you tell me that you know him?" Tanong niya na tila naiinis talaga dahil salubong ang kilay niya at walang ngitinb mababakas sa kanyang labi.



"I didn't know na kilala mo rin siya, besides, he's just my friend so I don't have a reason to tell you about him." Tugon ko.



Tila mas lalo siyang nainis sa sagot ko, this is the first time that I saw him this pissed. Parang malalim talaga ang galit niya kay Red at maging ang pagkakaibigan namin ay nadadamay.



"Ano bang problema mo? Hiwalay ako sa kung anong gulo ang meron sa inyong dalawa, and besides, mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa'yo." Sagot ko.



He gritted his teeth and gripped tighter at the steering wheel. Tila kinakalma niya ang sarili niya at pinipigilan ang kung anong kanina pa gustong kumawala sa kanyang labi.



"He's dangerous, as much as you can, avoid him." Aniya nang medyo kumalma na.



"No. No, Lazarus. He's my friend and if you can't respect our friendship like how I respect the people around you then this should be sto--" He cut me off before I even finish my sentence.



"Are you serious right now? You're really choosing him over our relationship?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.



His eyes is settled on the road as if he still cared about our safety.



"Because you're making me choose! You're making me choose between two things that is important to me." Sagot ko.



Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng highway at tsaka sinalubong ang tingin ko.



"So you choose to let me go and be friends with that asshole?" Bumuntong hininga ako at ginantihan ang tono ng pananalita niya.



"He's asshole to you but not to me, Red is my friend and we will stay friends weather you like it or not." Wika ko sa tono ng may pinalidad.



"I can't believe you." Wika niya at tumingin sa labas ng bintana.



"Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung galit mo pero kung gusto mong maintindihan ko, kailangan mong sabihin sa akin. Because that's how this relationship will work." Sagot ko sa kalmado nang tono.



Hindi siya sumagot at pinatakbo na ulit yung sasakyan pauwi.



Nang makarating kami sa bahay niya ay sinalubong kami nila Manang Karmi, pinabuhat ko si Gemini sa kanila upang makatulog ng maayos sa kwarto niya.



"Ma'am, gusto niyo po bang maghanda ako ng pananghalian?" Tanong ni Manang Karmi nang makapasok kami ng bahay.



"Hindi na, manang. Babalik ako ng Clinic." Tugon ko at umakyat papunta sa kwarto upang magpalit ng damit.



PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now