CHAPTER 21

15.1K 463 36
                                    

CHAPTER 21







NAGISING ako nang maramdaman ang init ng araw na tumatama sa mukha ko.






Akma akong tatayo upang isara ang kurtina nang kainin ako ng sobrang hapdi na sakit sa pagitan ng mga hita ko at pagkirot naman sa tyan ko.






"Aray." Daing ko.







"Grace? Wait, don't move." Tumayo si Lazarus mula sa pagkakahiga, agad niyang kinilatis ang mukha ko upang makita kung anong nararamdaman ko.





"S-Sobrang sakit..." Tila hirap na hirap ang dila ko sa pagsasalita. Nanunuyo rin ang lalamunan ko na parang isang taon akong hindi uminom ng tubig.






"You're pale." He said before touching my forehead.







"Mainit ka, I'll call a doctor." Wika niya bago tumayo at nagtungo sa kinalalagyan ng cellphone niya.






He dialed something and after a couple of ring, he talked.






"I need a doctor. Yes, right now." Saglit siyang tumahimik na tila nakikinig sa sinasabi ng kausap pagkatapos ay nakita ko ang pagngitngit ng kanyang ngipin.







"I can't bring her to the hospital, she's burning. The bruise on her stomach became worse." I can feel that he's calm but also frightened at the same time.







"Just go here, I don't care." Aniya pagkatapos ay pinatay ang tawag.






Bumalik siya sa tabi ko at pinahid ang malamig na mga butil ng pawis na nasa mukha ko, "Wait here, okay? I'll get you water and food to eat." Aniya.






Tumango lamang ako dahil hindi talaga ako makapagsalita ng maayos, pang-ibabang short lamang ang suot niya kaya nagtungo siya sa walk-in closet upang magbihis, paglabas niya ay naka t-shirt na puti na siya at shorts. May dala rin siyang isang boxer niya at t-shirt rin na puti.







"Bibihisan kita. I asked Maximo to bring a doctor who will check you." Aniya pagkalapit sa akin.






Dahan-dahan niyang sinuot sa akin ang t-shirt at ganoon pa rin ang kirot na nararamdaman ko, "Dahan-dahan," wika ko.






Maingat niyang isinuot ang boxer shorts sa akin at kahit dahan-dahan pa 'yon ay tila pinupunit pa rin ang pagitan ng mga hita ko.






"I'll get you water." Aniya pagkatapos akong bihisan.






Nagtungo siya sa pintuan ng kwarto at lumabas, pumikit ako at tumingin sa bed side table. Tama nga ako at nandoon ang cellphone ko na basag na naman.






Mabuti na lamang at may screen protector ang LCD kaya ang basag ay nandoon lamang at hindi tumagos sa mismong screen.






Pahirapan kong kinuha 'yon at nang makita ko ang screen ay puno ng notification at messages galing sa clinic.






Avia,

Doktora, may mga dumating pong papeles para sa application ng mga doctors galing sa White Hospital. Pirma na lang po ninyo ang kailangan.






Agad kong tinawagan si Yang na agad namang sumagot, "Saan ka?" Bungad ko. Tumikhim ako upang hindi ipahalatang may sakit ako.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now