CHAPTER 16

14.5K 533 73
                                    

CHAPTER 16





"ARE YOU SURE ABOUT THIS?" He asked after opening the car door for me.




Magkahawak kami ng kamay pagkatapos niyang iabot ang susi sa car attendant na nasa tapat ng entrance ng malaking mansyon.





Ngumiti ako sa kanya, "Your mom invited us personally, ganda ng binigay niyang suot ko oh. It will be rude to decline." Paliwanag ko.





I'm wearing a white halter dress na bagsak hanggang sahig. Hinayaan kong nakalugay ang maikli kong buhok at pagkatapos ay tumingin kay Lazarus na nakasuot naman ng itim na tuxedo.





Ang suot namin ang ipinadala ng mama ni lazarus sa Condo. May kasama 'yon na sulat at nakalagay ang invitation at pangalan naming pareho.





"You wouldn't like my family." Mahinang bulong niya habang naglalakad kami papasok.





Nakatingin sa amin ang iba pang mga guests na nasa formal event na naka-white and black rin ang suot.





"Zaniel," Papasok na sana kami nang hinarang kami ng isang matandang babae na naka-black dress at naka-bun style ang buhok.





"How are you, my nephew?" Tanong ng babae sa kanya.





"Good." Tipid na tugon ni Lazarus.





Magsasalita pa sana ang matanda nang dumako ang paningin sa akin, "Where's Cassa--" She analyzed me from head to foot.





"Oh, you brought another woman." Aniya.





"Hi, ija. I'm Alison Fournier-Tales. I'm Zaniel's auntie." Pakilala niya pagkatapos ay naglahad ng kamay.





Agad ko 'yong tinanggap at nakipag-kamay.





"I'm Grace Alonzo, his girlfriend." Pakilala ko naman pagkatapos ay matamis na ngumiti.





Nakita ko kung paano umirap ang matandang babae pagkatapos kong magpakilala.





"Excuse us," Ani Lazarus pagkatapos ay nakahawak sa bewang ko nang umalis kami doon.





Naglakad muli kami, madami nang mga guests at ang disenyo ng mansyon ay mga pinaghalong puti at itim na bulaklak.





"I told you." He whispered.





Tumawa ako, "Akong bahala sa'yo, kaya kong sumagot." Tugon ko.





Tipid siyang tumawa at napailing sa akin, gusto kong itanong sa kanya kung sino ang hinahanap ng auntie niya kanina ngunit hindi ako nagtanong upang hayaan siyang magsabi sa akin ng kusa.





"You're with him, Grace?" Narinig ko agad ang boses ni kuya Cassius na nagsalita nang makita kami.





Nasa table ang kambal ngunit si kuya Cassius ay may kasamang babae na naka-white ring dress, samantalang si Caspian ay tila wala sa mood.





Naupo ako sa tabi ng babaeng kasama ni kuya Cassius at sa tabi ko naman si Lazarus na nakahawak pa rin sa kamay ko.





"Hi," Bati ng babae sa akin habang nakangiti ng matamis. Wavy ang daloy ng buhok niya na hanggang bewang, itim na itim ang kulay nito at bagay na bagay sa balat niyang kayumanggi na mamula-mula.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now