CHAPTER 32

12K 414 20
                                    

CHAPTER 32







"CURSED RING OF SPAIN, SOLD TO MR. FOURNIER." A round of applause echoed in my ears.






Pinutol ko ang mahabang titigan namin at ibinalik sa stage ang aking atensyon.






Lumipas ang ilang minuto ng pag-akyat ng huling item, mga maiingay na bulungan lamang ng mga tao ang naririnig ko at ang nakaka-relax na piyesa ng piano.






"Our last item for tonight is known for its controversial information that spread through out the underworld globally. Ladies and gentlemen, I present to you, the famous 21st Pandora's Box!" Pumalakpak muli ang mga tao nang ilabas ang ilim na box na nababalutan ng mga dyamante sa bawat gilid. Ginto ang nagmistulang padlock nito at ang susi naman ay nasa gilid.






Nasa loob ito ng isang makapal na salamin na tulak-tulak ng isa sa mga auctioneers gamit ang isang trolley para sa mga items.






Namangha ang mga tao sa detalye ng box at maging ang tatlong auctioneers ay hindi rin maalis ang titig sa ganda ng box.






Nawala ang paningin ko sa stage nang lumapit si Chroma sa lamesang kinauupahan ko.






"What are you doing here?" Tanong ko.






"I'm doing you a favor." Tugon niya, inangatan ko siya ng kilay at magsalubong ang tingin namin ay bahagya siyang bumuntong hininga.






"I know your secrets." Wika niya.






"If you know my secrets, then it's not a secret." Sagot ko, he glared at me.






"Do you think I wouldn't know your relationship with the member of other organization?" Wika niya na tila may hawak siyang inpormasyon sa akin na pwedeng magamit upang patayin ako.






I smirked and moved closer to him, bahagya akong tumingkayad upang maabot ko ang tenga niya.






"You're really my stalker." Pang-aasar ko.






He gritted his teeth but after a couple of second, his lips curved into a smirk.






Lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa naramdaman ko ang kanyang labi sa tenga ko, "He's here, right?" Tanong niya.






Tumawa ako, "You'll meet him later." Tugon ko.






Lumayo siya nang bahagya nang magsimula ang bidding competition. "Nice perfume." He whispered.






Tanging ngisi lang ang sinukli ko pagkatapos ay natuon na ang pansin namin sa bidding.






"Twenty billion!"


"Twenty-three billion!"



"Twenty-five billion!"



"Thirty billion!"






Patuloy na umaangat ang presyo na binibigay ng mga mayayamang mga grupo na kasali sa auction.






"Let's start when the bidding raised at hundreds." Wika ni Chroma.






"Who would waste a trillion for useless box?" Sarkastikong wika ko.






Hindi pinansin ni Chroma ang sinabi ko at nanatili ang atensyon niya sa kompetisyon.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now