CHAPTER 10

17.4K 560 73
                                    

CHAPTER 10





"PWEDE KA nang magsimulang pumasok sa lunes kapag naasikaso ko na bukas yung mga papeles." Rinig kong wika ni Avia kay Gemini habang nasa living area sila.




Hiniwa ko ang dala kong cake pauwi para ipakain kila Avia habang nag-uusap sila tungkol sa pagpasok ni Gemini ng school.




"Thank you." Tugon ni Gemini nang magpaalam si Avia na aalis na.




Nang kami na lamang ang matira ay nagsalita ako, "Sa linggo sumama ka sakin. Bumili tayo ng nga gamit mo sa school." Wika ko.




Tumango lamang siya, "Ano nga palang lulutuin kong hapunan? Tsaka nga pala, paubos na lahat ng grocery mo sa kusina. Wala na akong lulutuin bukas para pakain 'dyan sa dragon sa tyan mo." Tanong niya naman sa akin.




Sinamaan ko siya ng tingin, "Eh kung ikaw ang ipakain ko sa dragon? Siraulo 'tong bata na 'to." Wika ko.




"Hindi na, 'wag ka ng magluto. Kumain na lang tayo sa labas, parang gusto kong kumain ng Japanese Barbeque." Hinimas ko pa ang tyan ko.




"Ang takaw talaga," Bulong niya na sa tingin ko'y sinadyang iparinig sakin.




"Narinig ko 'yon!" Angal ko.




"Alam ko, sadya 'yon!" Sagot naman niya pabalik.




Naupo ako sa couch at binuksan ang TV habang kumakain ng cake.




Napunta ako sa balita at otomatikong napaismid ako nang makitang nasa balita ang mga kapatid ko kay mama.




Sa tingin ko'y ininterview sila para sa gagawing photo exhibit ng kapatid kong babae na mas bata sa akin ng dalawang taon.




Malaki ang ngiti ni mama habang katabi ang mga kapatid ko, ni-hindi mo talaga mahahalatang masama ang ugali niya dahil sa ganda ng pakikitungo niya sa mga anak niya.




"Mama mo rin 'yan 'di ba?" Tanong ni Gemini nang makaupo siya sa tabi ko.




Hindi ko sinagot ang tanong niya ng direkta, "Paano mo nalaman?" Tanong ko pabalik.




"Nakita ko picture niya sa storage room sa likod." Tugon niya.




"Hindi naman naging nanay sakin 'yan." Tugon ko habang hindi nilalayo ang paningin ko sa screen ng TV.




"Ikaw nasaan nanay mo?" Tanong ko sa kanya.




"Hindi ko alam." Tugon niya.




Napalingon ako sa kanya, kumakain rin siya ng cake at halatang ayaw pag-usapan 'yon.




"Hindi ko kilala mga magulang ko, si Lola lang ang nagpalaki sa akin. Sabi niya iniwan lang raw ako sa kanya pero hindi raw nabanggit ng magulang ko kahit pangalan nila." Pagkukukwento niya.




Pansin kong nanginig ang kamay niya ng bahagya kaya agad kong tinapik ang likod niya, "'Wag kang mag-alala, nandito lang ako." Paninigurado ko.




Sa mga araw na magkasama kami sa iisang unit ay gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya.




Hindi lang ako nakahanap ng kapatid, nakahanap rin ako ng tagaluto.




Magsasalita pa sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng unit. Tatayo na sana siya upang buksan nang pigilan ko siya.




"Ako na." Wika ko at tumayo.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralOnde histórias criam vida. Descubra agora