CHAPTER 1

27.9K 669 27
                                    

CHAPTER 1




"DOC, kailangan ba talagang bunutin?" Tanong ng kasalukuyan kong pasensya na nakaupo sa dental engine.



"Kapag hindi pa namin tinanggal 'yan, pwedeng makasira sa pagtubo ng wisdom tooth mo. Mas masakit 'yon kaya mas maganda nang tanggalin natin ngayon." Tugon ko habang inaayos ang gloves na kakasuot ko lang.



Nakita ko ang pagpapawis ng kanyang mukha kahit pa fully air conditioned ang buong kwarto.



"Avia, pakihanda na yung gagamitin ko." Utos ko sa dental assistant ng clinic na naipundar ko.



"Yes, doktora." Tugon niya.



Habang naghahanda si Avia ay nilapitan ko ang una naming pasyente sa araw na ito, "'Wag kang kabahan, lalagyan naman natin ng anesthesia para wala kang maramdaman, ayos ba 'yon sa'yo?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba.



"Doktora, ready na ang lahat." Ani Avia, tumango ako at sinenyasan siyang simulan na ang paglalagay ng anesthesia.



Nagsimula kami at habang nasa kalagitnaan ng operasyon ay biglang nakarinig kami ng boses sa labas.



"Mrs. Alonzo, hindi ho talaga pwede. Nasa gitna ng operasyon si Doc ngayon at kami ang mapapagalita——" Rinig kong boses ni Rica sa labas, ang isa pang dental assistant na naka-assign sa front desk ngayon.



"Papasukin mo 'ko, kailangan ko siyang makausap, ako ang mama niya!" Napabuntong hininga ako at napailing.



Nagkatinginan kami ni Avia at 'di kalauna'y narinig ko siyang tumawa.



Kahit pareho kaming naka-surgical mask ay ramdam ko ang ngisi sa labi niya.



Bago pa 'ko makapagsalita ay bumukas ang pintuan, "Gracia!" Rinig kong boses ni mama.



"Take over," utos ko kay Avia.



"Yes, doktora." Tugon niya.



Umalis ako at bahagyang tinabing ang kurtina upang makaharap ko si mama.



Salubong ang kanyang kilay at tila hindi natutuwa dahil sa masamang balitang dala niya.



Nagtanggal ako ng gloves at surgical mask at pagkatapos ay iginaya siya papunta sa opisina ko.



"Narinig kong umattend ka raw ng kasal ni Marvin?" Bungad niya nang makapasok kami ng opisina.



"And so? Kaibigan niya 'ko at natural lang na umattend ako ng kasal ng kaibigan k——"



"He's not just your friend, Grace! Kung hindi pa ibabalita sa akin ng mga kapatid mo ay hindi ko pa malalaman 'yang kagagahan mo!" Panenermon niya.



"Everything about us ended the moment that he proposed to other woman, I attended their wedding not as a bitter ex but as a supportive friend! Bakit kailangan ko pang ipaliwanag sa'yo, 'Ma?" Tanong ko.



Sarkastiko siyang napatawa, "Usap-usapan ka sa buong village bilang isang bitter na ex na nakuha pang umattend ng kasal ng dati niyang nobyo! Ang tanga-tanga mo kase! My God, Grace! How can you disgrace me like this?" Tila inis na inis niyang tanong.



Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya, "Apelyido ni papa ang gamit ko kaya kung gumawa man ako ng isang dosenang kagagahan, hindi makakaapekto sa iny——"



PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now