CHAPTER 37

12.8K 414 62
                                    

CHAPTER 37




MABILIS na lumipas ang bawat buwan ng pasukan, ang noong mga taong akala ko ay hindi ko makakasundo ay sila na ang lagi kong kasama ngayon.




"Tangina nasaan na naman yung cellphone ko?" Tanong ko nang mapansing wala ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa.




Nasa pangalawa sa huling period na kami at walang teacher dahil may meeting si ma'am, kaya't nag-iwan lang siya ng gagawin ngunit parang wala namang gustong gumawa.




Walang sumagot kahit isa sa kanila kaya't dalawang tao lang ang tinignan ko na pwede kong paghinalaaan.




"Putangina ako na naman?" Biglang wika ni Ejay nang makitang nakatingin ako sa kanya.




Tumawa si Joanna kaya't tinignan ko rin siya ng masama, "Tangina niyong dalawa, ilabas niyo na." Wika ko.




"Tangina mo, porque tumawa lang ako agad?" Wika ni Joanna at inirapan ako.




"Gago, 'di ko na nga mabilang kung ilang beses niyo nang tinago yung cellphone ko." Tugon ko.




"Noon 'yon, past is past. 'Yan oh sila Marvin kanina pa tumatawa." Ani Ejay sabay turo kay Marvin na bumubungisngis sa dulo ng room. Tumigil ito sa pagtawa nang marinig ang sinabi ni Ejay.




"Hoy, kingina mo malayo ako senyo 'wag niyo ko pagbintangan." Tugon niya.




"Tangina niyo naman, labas niyo na!" Sigaw ko.




"Hoy ang ingay niyo!" Sigaw nung isa sa grupo nila Nica.




"Kingina mo!" Mabilis na sagot ni Marvin.




"Labas niyo na kase putangina naman." Wika ko.




"Paano ko lalabas kung wala naman saken?" Tugon ni Ejay.




"Bumagsak man ako sa lahat ng subject, wala sakin." Sagot naman ni Joanna.




"Tignan mo mga bag nila," suwestyon ni Ervin. Isa rin siya sa mga naging kabigan namin na galing sa ibang section.




Ginawa ko ang sinabi niya, inuna ko ang sinabi ni Ervin, inuna ko ang kay Ejay at Joanna.




"Kapag nahanap mo 'dyan lilibre pa kita." Wika ni Joanna.




Wala sa parehong bag nila kaya't sinunod ko ang kay Marvin.




"Kapag nakita mo 'dyan, ewan ko na lang." Aniya habang pinapanood akong buksan ang bag niya.




Pagbukas ko pa lang ng bag niya ay may nakita na akong isang malaking bato, nagulat rin si Marvin nang makita ang laman ng bag niya. Inilabas niyo 'yon at inangat.




"Putangina sinong naglagay ng bato sa bag ko? Pucha kaya pala mabigat!" Wika niya.




Tumawa si Ejay at Yang, "Tangina ka, kanina pa namin sa flag ceremony nilagay 'yan ngayon mo lang nakita?" Tawa ng tawa ang dalawa kaya't binato ni Marvin ang bato sa labas ng bintana na sira.




"Ibig sabihin simula kanina umaga hindi mo binubuksan 'yang bag mo?" Tanong ni Karen.




"Pumasok lang naman 'yan para manggago, hindi para mag-aral." Tugon ni Nads.




"Yung cellphone ko!" Wika ko.




"Nakita ko kanina binigay ni Joanna kay Jona!" Wika ni Nica.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon