CHAPTER 27

13.2K 376 19
                                    

CHAPTER 27






"TAKBO, nandyan na yung mangkukulam dali!" Papalapit pa lamang ako sa parke kung saan maraming batang naglalaro ay nagsikalasan na ang mga ito.






"Takbo dali!" Sigaw ng isang batang lalaki sa 'di kalayuan habang hila-hila ang isa pa niyang kalaro.






Ang iba ay tumatawa at ang iba naman ay lumalayo sa takot.






"Kita mo na? Wala na ring gustong makipaglaro sa amin dahil sa'yo! You're dirty kase!" Napaupo ako sa mabatong damuhan ng parke nang itulak ako ni Venese.






Agad na pumagitna sa amin ang isa ko pang nakababatang kapatid kay mama na si Vincent.






"Ate, tama na!" Aniya.






Hindi ako nagsalita, wala akong imik na tumayo at lumakad pabalik sa sasakyan upang doon na lamang maghintay habang naglalaro sila.






"Venese, totoo bang kapatid mo yung mangkukulam na 'yon?" Rinig kong tanong ng isang bata sa kanila.






"No, she's not my ate. I'm mom's eldest. She's just our old maid's daughter." Sagot ni Venese.






Hindi ko na lamang pinansin at naglakad papunta sa sasakyan, nadatnan ko doon yung driver ng sasakyan na tila hindi na nagulat sa pagbalik ko sa sasakyan.






"Gusto mong ice cream?" Tanong niya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ang hawak niyang isang ice cream na nasa apa.






Tinitigan ko lamang 'yon at nang mapansin niyang wala akong balak tanggapin ang inaalok niya ay humalakhak siya.






"Huwag kang mag-alala, walang lason 'yan. Sige na, kunin mo na baka matunaw pa." Tugon niya at pilit na inaabot sa akin ang ice cream.






Hindi ko siya pinansin at binalewala ang inaabot niya, narinig ko siyang bumuntong hininga bago ko narinig na tila kumakain rin isya ng ice cream na para naman sa kanya.






"Ang sarap," pagpaparinig pa niya. Tila nanuyo ang lalamunan ko habang pinapakinggan ang bawat pagkain niya.






Kaya napalingon ako sa kanya, narinig ko siyang humalakhak at huli na nang makitang nakatingin pala siya sa akin mula sa rear mirror ng sasakyan.






Inabot niyang muli sa akin ang kanina pa niya inaalok at sa huli ay tinanggap ko rin 'yon.






Nang matikman ko ang ice cream ay nanlaki ang mata ko.






"Sabi nila manang Hermita bihira ka raw kumain niyan kaya sige, kung gusto mo pa magsabi ka lang." Aniya.






Hindi ko siyang pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.






Nang maubos ko ang binigay niya ay nanlalagkit na ang kamay ko.






"Oh, magpunas ka." Wika niya sabay abot ng tissue.






Tinanggap ko 'yon at pinunasan ang kamay ko.






Ngumiti siya at narinig kong ang pagtunog ng inuupuan niyang driver's seat, nilingon niya ako ng nakangiti.






"Hindi mo siguro ako kilala kaya magpapakilala ako, ako nga pala si Armando Fernandez, senyorita Grace. Matagal na akong driver ng mga Alonzo pero siguradong hindi mo alam. Bihira lang kase kitang nakikita hindi katulad nila senyorita Venese at senyorito Vincent." Pakilala niya.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now