CHAPTER 15

15.9K 494 27
                                    

CHAPTER 15


"SEMENTERYO?" Wala sa sariling wika ko nang makababa kami ng sasakyan.


Inilibot ko ang aking paningin at sinipat ang mga lapida na nakalagay sa lupa, magkahawak kamay kaming naglakad sa pathway upang hindi maapakan ang mga nityo ng mga patay. Hawak niya naman sa kabilang kamay ang isang bouquet ng white roses na naka-arrange na panglagay sa lapida at dalawang bilog na puting kandila na nakalagay sa kulay gold na baso.


Ang akala ko ay sa ordinaryong lapida lang ang pupuntahan namin na nakahalo sa mga iba pa ngunit dumeretso kami sa mga lapida na napapalibutan ng fence na may mga puting bulaklak sa mga gilid.


"This is my family cemetary. Pinagawa 'to para dito ilibing ang mga myembro ng pamilya namin na pumanaw." Paliwanag ni Lazarus.


"Ang angas, daig pa mga nityo ng mga artista." Komento ko.


Nagtungo kami sa isang lapida na nasa gitna at may mga iba't-ibang bulaklak sa gilid nito.


Itatanong ko na sana kung sino ito ngunit biglang dumating ang isang mag-asawang matanda na may hawak na pandilig at pala.


"Sir Lazarus, ikaw po pala." Nakangiting wika ng matandang babae.


"Nauna na pong bumisita ang pamilya niyo kaninang umaga, sir. Sila po may dala ng mga bulaklak na 'yan." Pagkukwento naman ng matandang lalaki.


Nakita ko sa gilid ng mata ko ang munting pagngitngit ng ngipin niya na tila hindi nagustuhan ang narinig.


"Throw all of it away." Utos ni Lazarus.


Hindi ako nakealam dahil mukhang may pinag-uugatan ang galit niya, katulad na lang nang sitwasyon nila ng mama niya noong nasa unit niya kami.


Agad namang sinunod ng mag-asawa ang sinabi ni Lazarus at kinuha agad ang mga bulaklak na nandoon sa gilid ng lapida.


Binasa ko ang pangalang naka-engrave sa lapida.


Flordeliza Francisco-Fournier
1952-2011


"Ito ba yung lola mo?" Tanong ko nang kami na lamang dalawa ang nandoon.


Inayos ni Lazarus ang puntod at inilagay sa gilid ang bouquet ng bulaklak at sa candle holder sa magkabilang gilid ng lapida naman ang dalawang kandila.


"Siya ang nagpalaki sa akin." Tugon niya habang ang mata ay nasa lapida pa rin.


"The last time I saw her alive, that was the last time that I'm at my best. She's not just a grandmother to me, she stood up by my side when no one believes in me. She's there when I'm at my worst." Pagkukwento niya.


Nakinig ako sa lahat ng sinasabi niya, "Paano siya namatay?" Tanong ko.


"Accident." Tipid na tugon niya, nakita ko kung paano tumalim ang kanyang tingin na tila ayaw nang maalala ang kung anong tinanong ko.


Agad kong hinawakan ang kanyang kamay upang pakalmahin siya, "Shh... You don't have to tell me now. I know you're not ready to tell me everything." I whispered in his ear as I hugged him.



"Thank you." Tugon niya.




"I'm sure she'll love you if she's with us now." Dugtong pa niya, ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat nang makaupo kami sa damuhan sa tapat ng puntod ng kanyang lola.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now