CHAPTER 7

17.2K 621 121
                                    

CHAPTER 7





"DOKTORA," Napalingon ako nang marinig ang boses ni Avia mula sa pintuan ng opisina ko dito sa clinic.





Binaba ko ang binabasa kong mga application form dahil patapos na ang pinapagawa kong extend ng clinic sa gilid. Pwede na akong mag-hire ng panibagong mga Licensed Dentists na pwede kong makatulong para mas maraming pasyente ang madagdag sa clinic.





"Doktora, may dumating pong walk-in VIP patient." Aniya.





Kumunot ang aking noo, "Walang appointment?" Tanong ko.





"Wala po, Doktora. Emergency raw po kase." Sagot niyang muli.





"Sige, i-ready mo na yung Operatory room. Lalabas na 'ko." Wika ko.





Lumabas na siya kaya sinuot ko nang muli ang coat ko at maging ang salamin sa mata.





Inayos ko lang sandali ang lamesa ko pagkatapos ay lumabas na ako. "Nasa loob na po yung pasyente, doc." Ani Avia.





"Ano nga palang pangalan?" Tanong ko.





"Mr. Caspian Fortalleje raw po." Tugon ni Keith. Ang Receptionist na naka-duty ngayong araw.





Agad akong napahinto, "Fortalleje?" Tanong ko pang muli.





"Opo," sagot niya.





Nakakunot ang noo ko nang makapasok ako ng Operatory room, nakatayo doon at pinagmamasdan ang mga naka-dislay na teeth structures at iba't-ibang hugis nito.





"This are cute," wika niya habang nakatalikod pa rin sa akin.





"What are you doing here?" Tanong ko.





Humarap siya sa akin na malapad pa rin ang ngiti kaya inangatan ko siya ng kilay.





"I have a tooth ache, can you check it up?" Tanong niya.





"If I said no, will you go away?" Sarkastikong tugon ko.





Agad siyang sumimangot, "Susumbong kita kay Lazarus, ang sama ng ugali mo sakin." Aniya.





Mas lalo ko siyang inangatan ng kilay, "At bakit ka magsusumbong sa kanya?" Kunot noong pag-uusisa ko.





Kumunot rin kanyang noo ngunit nanatili ang sibangot sa kanyang labi, "Dahil boyfriend mo siya?" Patanong na sagot niya, agad akong napangiwi.





"Hindi 'no!" Agad kong tuwiran.





"Wow ah, lugi ka pa." Aniya at naupo sa dental chair.





Inirapan ko na lamang siya at naghugas ng kamay sa sink, sinuot ko rin ang disposable gloves at face mask pagkatapos ay nagtungo na sa kinalalagyan niya.





"Ibuka mo bibig mo," Utos ko.





"Pilitin mo muna ak-- Ouch!" Napahawak siya sa kanyang ulo nang binigla ko ang pag-adjust ng dental chair dahilan upang tumama ang ulo niya sa bakal na part.





"Buka mo bibig mo." Utos kong muli.





Sinamaan niya ako ng tingin bago niya ibuka ang kanyang bibig ng maliit, "Lakihan mo pa!" Utos kong muli.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralOù les histoires vivent. Découvrez maintenant