CHAPTER 25

14.4K 452 44
                                    

CHAPTER 25





"PASTA?" Rinig kong tanong ni Lazarus habang kasunod ko sa paglalakad sa loob ng Grocery.





Namimili kami ng mga sangkap na sinabi ni Manang Karmi na kakailanganin niya para mamaya.





"Oo, para naman sa mga bata kaya magandang magluto ng pasta para siguradong magugustuhan nila. Tapos dalawang kilo raw ng hita ng manok." Tinignan ko ang listahan ng mga sangkap na kailangan ni Manang sa pagluluto.





Ang totoo niyan ay hindi naman talaga dapat kami ang gagawa nito, nagpresinta lang ako dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. Pinaghanda ko na lang sila sa bahay ni Lazarus.





"Maghiwalay tayo, dito ako tapos dito ka para mapabilis tayo." Suwestyon ko.





"What? No." Mabilis na tugon niya.





Napairap ako, "Kaya ko ang sarili ko. Wala ka bang tiwala sa'kin?" Panggu-guilty ko.





Rumolyo ang kanyang mata sa akin bago ako pangaralan, "If something happens, call me before you defend yoursel--"





"Para namang may mangyayari dito sa loob ng supermarket." Sarkastikong wika ko.





"Everywhere is dangerous, Grace. Meet me here after you got everything in your list." Aniya. Tumango-tango ako at napangiti bago kami naghiwalay.





Kampante naman ako dahil may mga guard naman sa bawat sulok ng supermarket, tsaka kung may mangyari man ay wala akong dapat ipag-alala dahil kaya kong lumaban.





Kinuha ko ang lahat ng mga nasa listahan ko, huli na sana ang limang box ng pancake mixture ngunit nasa pinakamataas na lalagyanan ng shelf.





Pilit kong inaabot, lumingon ako sa paligid upang magpatulong sa makikita kong staff ngunit wala kahit isa kaya wala akong nagawa kung hindi ang haltakin ang hagdanan na nasa gilid upang maabot ang pancake mixture sa taas.





Kumapit akong maigi upang hindi malaglag ngunit nang nasa pinakataas na ako ay dumulas ang paa ng hagdanan dahil hindi pala naka-lock kaya muntikan na 'kong malaglag, mabuti na lamang at may humawak ng hagdan kaya hindi ako tuluyang nahulog.





"You should be careful next time, miss." Wika nito nang makababa kao ng hagdanan bitbit ang mga box ng pancake mixture.





Yumuko ako upang magpasalamat ngunit nang magsalubong ang paningin namin ay pareho kaming nanlaki ang mata.





"Grace?" Aniya.





"Sir Caelus?" Pagkukumpirma ko.





Humalakhak siya, "We meet again!" Aniya.





Sa pagkakataon na 'to ay mas masigla ang boses niya at marami na ring mga lalaking naka-itim na nakapalibot sa kanya na tila gwinagwardiyahan siya.





"What are you doing here?" Tanong niya.





"Bumibili ng grocery. Ikaw po? Mukhang bigatin ka ah, dami mong body guards." Puna ko.





Tumawa siyang muli, "This is one of my wife's supermarket branches, dumaan lang ako para bilhan ng chocolate ang anak kong babae." Wika niya.





Napatango-tango ako, "Ah, sige po mauuna na 'ko." Wika ko at nag-aalangang ngumiti sa kanya.





"Grace, wait!" Aniya. Napalingon ako at tinignan siya.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now