SC#1 (ARCELIOUS)

16.3K 476 131
                                    

A/N: In this special chapter, I didn't use Arc's point of view. Instead, this is his other half's POV.

SPECIAL CHAPTER #1




ARCELIOUS ZANIEL FOURNIER'S SPECIAL CHAPTER



ELI'S POINT OF VIEW




"LAYAS!" Napatakip ako ng mukha ko nang ibato ng may-ari ng bahay ang lahat ng damit ko papunta sa mukha ko.




"Magbabayad naman ho ako, nagipit lang ho ako ngayon." Paliwanag ko at halos lumuhod na kao sa harapan niya upang magbago ang isip niya ngunit tila wala itong epekto at desidido nang palayasin ako.




"Hay nako, Eliezer! Ilang daang beses ko nang narinig na lumabas sa bibig mo 'yan pero hanggang ngayon wala pa rin! Aba ikaw naman ang maawa sa akin at may binubuhay rin ako!" Bulyaw niya.




"Pangako ho, bukas na bukas ay maghahanap ako ng pera na pangbay--" bago ko pa matapos ang sinasabi ko at agad siyang nagsalita.




"Kung wala kang pangbayad ngayon, pwes lumayas ka sa harap ko!" Malakas niyang isinara ang pintuan ng apartment.




Bed space lang ang nakayanan kong rentahan para kahit papaano ay may matulugan ako pero ngayon ay wala na.




Limang buwan akong hindi nakabayad ng renta dahil naapektuhan ng crisis ang factory kung saan ako nagtatrabaho kaya't napilitan silang magsara.




Kakaunti lang ang sinasahod ko doon ngunit sapat na para matustusan ko ang huling taon ko sa college at ang renta sa tinutulugan ko.




Agad kong nilabas ang upang cellphone ko at tinext ang kaibigan ko, wala pang ilang segundo ay tumawag ito sa akin.




"Oh pre, ba't nagpapatawag ka?" Tanong nito.




"Pre, baka pwedeng makitulog 'dyan sa inyo kahit isang gabi lang? Napalayas ako sa tinutuluyan ko e." Tanong ko.




Ilang segundo siyang napatahimik, "Nako pre, bad timing ka. Mainit ang ulo ng mama at papa ko kaya't 'di ako makahirit." Aniya.




"Sige na, pre. Kahit ngayong gabi lang, wala lang talaga akong matutuluyan. Bukas na bukas aalis agad ak--"




"Pasensya na talaga, Eli. Wala akong magagawa, try ko tawagan iba nating tropa baka pwede kang patuluyin." Pagkatapos ng sinabi niya ay binaba na niya ang tawag.




Naglakad ako nang naglakad habang bitbit ang bag ko sa university at isa pang bag na may lamang mga damit ko.




Nang mapagod ay saglit akong naupo sa may gutter ng kalsada, kaunti na lang ang taong mga dumadaan dahil alas-onse na ng gabi.




"Balot! Balot! Balot!" Rinig kong sigaw ng isang matandang lalaki na naglalako ng balot.




Gusto kong bumili ngunit sakto na ang pera ko para panghanap bukas ng matitirahan.




Maya-maya ay nagulat ako ng may humintong isang motorsiklo sa harapan ko mismo at nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad si Cez na nakangiti sa akin.




Siya yung babaeng taga-Tourism sa university na kursunada akong pag-aralin kapalit ng pagpayag ko na maging boyfriend niya.




"Oy pogi, tinawagan ako ni Randy. Pinalayas ka raw sa tinutuluyan mo?" Tanong niya.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now