CHAPTER 35

13.9K 444 50
                                    

A/N: This is all about Grace's past. Special chapter sana 'to kaya lang dito na lang para hindi masyadong marami yung special chapters.

CHAPTER 35






"LARO NA TAYO!" Napatingin ako sa ingay ng mga bata na nasa gitna ng malawak na bukid.






Naghahabulan ang mga ito at may hawak na mga saranggola ang iba.






"Anak, bakit hindi ka makipaglaro sa kanila?" Tanong ni papa pagkatapos niyang paringasan ang paglulutuan niya ng tanghalian namin.






Tumingin muli ako sa mga bata at pagkatapos ay bumalik ang tingin kay papa, umiling ako.






"Mababait ang mga 'yan, sige na. Makipaglaro ka na sa kanila, ako na ang bahala dito, tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo." Wika niya.






Wala akong nagawa nang bahagya niya akong itulak palabas ng bakod, naglakad ako papunta sa mga batang naglalaro sa gitna ng bukid ngunit papalapit pa lamang ako ay narinig ko na ang sinabi ng isang bata.






"'Di ba ikaw yung ampon ni Mang Armando?" Tanong ng batang babae na may hawak na mga dahon na nakatuhog sa isang stick.






"Hala ampon siya?" Singit naman ng isa pang babae.






Nagsilapitan ang nga batang lalaki na kanina'y naglalaro ng saranggola, "Sabi ni mama kapag ampon raw napulot sa tae ng kalabaw." Aniya.






"Hala edi mabaho ka nung baby?" Tanong ng isa pa.






Hindi na ako sumagot at nagtatakbo pabalik ng bahay, naaninag ko si papa na kausap ang isang kamag-anak niya na nagmamay-ari ng bahay kung saan kami nakikituloy.






Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang boses ng matandang babae, "Aba, Armando naman, wala ka na ngang makain dito nag-uwi ka pa ng bubwit na dadagdag pa sa palamunin mo." Wika ng matandang babae.






"Di bale sana kung tutulong sa pinansyal na ipangpapalaki mo ang nanay ng bata na 'yon, kaso hind--" Agad na pinutol ni papa ang sasabihin ng kamag-anak niya.






"Tiya, magbabayad naman ako ng utang ko, sisiguraduhin ko 'yon at papalakihin ko si Grace na parang tunay kong anak." Tugon ni papa.






"Aba dapat lang, Armando. Mahiya-hiya naman kayo sa tiyo Nardo niyo, 'yon ang nagpalaki sa inyo magkapatid at anong sinukli ng kapatid mong babae? Imbis na tumulong, ayun at nagpabuntis ng maaga, hindi naman kayang mag-alaga ng anak!" Sumbat ng matandang babae.






"Jusko, sumasakit ang ulo ko sa inyong magkapatid. Kung nabubuhay lang ang nanay ang kapatid ko ay hindi sana magkakaganto ang mga anak niya." Naglakad na ito palayo habang hawak-hawak pa rin ang noo na tila sumasakit ang ulo.






Naglakad ako palapit kay papa at ang kanina niyang namomroblemang mukha ay napalitan ng ngiti nang makitang papalatin ako.






"Oh, bakit bumalik na ang prinsesa ko? Ayaw mo ba silang kalaro?" Tanong niya.






Umiling ako, "Papa?" Tawag ko sa kanya.






Bahagya siyang bumaba upang mapantayan ang mukha ko, "Hmm?"






"Sino yung matanda na babae?" Tanong ko.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now