CHAPTER 26

14.2K 445 49
                                    

CHAPTER 26





NAKARATING kami sa bahay na naghihintay na sa sala si kuya Maximo at si kuya Jegudiel.





Nakahanda na rin sa ibabaw ng center table ang mga gagamitin niya kay Lazarus, "You called Caspian? Eh walang silbi 'yan kung hindi mang-asar." Wika ni kuya Jegudiel pagkatapos ay tumawa pa habang tila may inaayos sa laptop.





Pinukol siya ni Caspian ng isang water bottle na walang kahirap-hirap namang sinalo ni kuya Jegudiel.





"At least they're all safe, may pakinabang ka pa rin kahit papaano." Segunda ni kuya Maximo.





Nang matanggal niya ang balang bumaon sa braso ni Lazarus nilinis na niya bago tahiin.





Hawak-hawak lamang ni Lazarus ang kamay ko habang nakapikit at tila wala siyang nararamdaman. Minsan ay dumidilat siya para senyasan ako na okay lang siya upang hindi ako mag-alala.





Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay mula sa taas, sobrang ingay 'yon at mistulang isang helicopter ang nag-landing.





Wala pang ilang minuto ay bumungad si kuya Cassius na tila nagmamadali.






"What happened?" Tanong niya.






"They were being followed at the grocery store." Sagot ni Caspian.






"What..." Napatingin sila kay kuya Jegudiel na nakatingin sa laptop na nasa harapan niya.






Lumapit sa kanya si Caspian at nang makita ang tinutukoy ni kuya Jegudiel na nasa screen ng laptop niya ay tila napakunot rin ang noo nito at parang hindi inaasahan ang nakita.






"What's that?" Tanong ni kuya Cassius at lumapit sa dalawa, nasa magkabilang dulo kami ng sala kaya nakaharap sila sa amin kaya't hindi namin nakikita ang tinitignan nila.






Kabaliktaran ang reaksyon ni kuya Cassius sa naging reaksyon ni Caspian, tila hindi ito nagtataka at parang expected niya pa na ganoon ang makikita niya.






Si kuya Maximo ay hindi tumayo dahil tinatakpan niya pa ang sugat ni Lazarus na nasa tabi ko.






"I'm not surprised, we already know that that man is crazy." Paliwanag ni kuya Cassius.






"What's that?" Tanong ni kuya Maximo pagkatapos utusan si manang Karmi na ligpitin ang mga kagamitan na ginamit niya.






Hindi siya tumayo at naghintay lang ng sagot, "I got the CCTV footage in the grocery store. It seems like he's here too." Sagot ni kuya Jegudiel.






Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni kuya Maximo, "What do you expect? Vandross is married and Trius is somewhere in Europe. Walang susuntok sa kanya para tumigil." Sagot ni kuya Maximo.






"What about Lucas? I thought he's currently leading the organization in exchange of Vandross' disappearance?" Tanong ni kuya Cassius.






"Sinabi ko na sa inyong mali ang pakikipag-ayos sa mga baliw na 'yon." Wika ni Caspian.






"It wasn't just me, it was Lazarus and Luther's idea. Don't look at me like that," Tugon ni kuya Maximo pagkatapos umayos ng upo sa single sofa ng sala.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now