CHAPTER 33

11.9K 444 36
                                    

CHAPTER 33






NAGISING AKO nang marinig ang maingay na pagbukas ng pintuan na gawa sa bakal.






Gumagasgas 'yon sa sahig kaya't lumilikha nang nakakangilong tunog.






"Kanojo wa okite imasu." She's awake. Napadilat ako at agad kong naramdaman ang hapdi na nagmula sa sugat malapit sa mata ko.






Isang babaeng naka-itim ang pumasok na may dalang isang tray na may lamang pagkain, base sa narinig ko ay isa itong Japanese at isa sa mga tauhan niya.






"Watashi wa anata ga watashi o rikai dekiru koto o shitte imasu, kore o taberu." I know you can understand me, eat this. Wika ng babae at pagkatapos ay inilapag ang tray sa harapan ko.






Natawa ako nang wala sa oras, tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin na nasa harapan ko, nakatali ang dalawang kamay ko sa itaas at malaya naman ang dalawang paa ko na nakatapak sa sahig, nakatayo ako at kung sino man ang nakakakilala sa akin na titingin sa kalagayan ko ngayon ay hindi ako makikilala sa dami ng sugat ko sa buong katawan.






Ang damit na suot ko dalawang araw ang nakakaraan ay puro punit na sa dami ng beses na tumama sa balat ko ang latigo.






"Orokana, watashi no te ga shibara retara do yatte taberu koto ga dekimasu ka?" Stupid, how can I eat if my hands are tied up? Tugon ko.






Tumawa ang isang lalaking mukhang Hapon rin na kakapasok lamang ng kulungan na kinalalagyan ko.






"Sorekara anata no ashi de tabemasu." Then eat with yout feet. Wika nito habang humahalakhak, pagkatapos ay lumabas na muli ng kulungan.






Naiwan na muli akong mag-isa sa kinalalagyan ko, dalawang araw na akong nakatayo at dalawang araw na ring nakatali ang kamay ko sa itaas kaya't nangangalay na ako.






Kung hindi nga lang sanay ang katawan ko sa ganitong kalagayan ay malamang sa malamang ay unang araw pa lang ay patay na 'ko.






Wala sa sariling natawa ako, hindi ko alam kung makakalabas pa ako nang buhay sa kulungan na 'to. Mabuti nga lang ay natuyot na ang dugo sa ibang malalaking sugat sa katawan ko kaya't kahit papaano ay kaunti na lang ang nabawas na dugo sa akin.






Wala pang ilang minuto ay bumukas muli ang pintuan ng kulungan, umalingawngaw na naman ang nakakangilong tunog nito na bumalot sa buong selda.






"Oh, you're awake." Boses pa lang ay alam ko na kung sino ang pumasok.






Pumasok rin ang isang lalaki at naglagay ng upuan sa harapan ko, naupon doon ang boss niya habang nakangising nakatingin sa akin.






"I'm actually surprised that you're still alive by now." Aniya.






"Kapag namatay ako, isasama kita sa hukay." Tugon ko. Nalalasahan ko ang dugo sa loob ng bibig ko sa tuwing nagsasalita ako.






Humalakhak siya na tila walang planong maniwala sa sinabi ko.






"In your state? Maybe you can drag me in hell in your dreams." Tugon niya.






"Let's see about that." Nakangising tugon ko.






"I will give you one last chance again, Grace. Join me or die in my hands." Pamimilit niya, natawa ako at napailing sa kanya.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralKde žijí příběhy. Začni objevovat