CHAPTER 20

16.1K 491 24
                                    

CHAPTER 20 | R18+




"SANDALI," Muli sanang lalapat ang kanyang labi sa akin nang hawakan ko siya sa balikat.



"You're not comfortable? It's fine, I told you I can wai--" Umiling ako.



"Pwede bang maligo muna ako? Kase ang kakagising ko lang, baka amoy panaginip pa ako." Paliwanag ko, tumawa siya at napahilamos sa kanyang mukha nang malaman ang dahilan ko.



"Are you serious? I thought you're not comfortable with me." Tila pabulong niyang aniya na parang kinabahan talaga.



Naupo ako, at sinalubong ang kanyang tingin. "You know, we can shower together after." Umangat baba ang kanyang kilay na tila pinapagaan ang paligid.



Tumawa ako, "Gago." Wika ko.



Tumayo ako at tumingin muli sa kanya, "'Doon ba ako maliligo?" Tanong ko habang nakaturo sa pintuan sa tabi ng walk-in closet niya.



Salamin 'yon katulad ng pintuan ng walk-in closet at kitang-kita ang loob.



"Yes, you can use whatever you see inside." Aniya.



Hindi na ako sumagot at nagtungo na lamang sa loob ng bathroom, puro marbled tiles ang nasa loob at pinaghalong kulay ng puti at ginto ito katulad ng kulay ng kwarto niya.



Bawat kagamitan ay mukhang mamahalin at maging ang bawat towel at mga shampoo at conditioner ay hindi ko madalas makita sa mga supermarket.



May glass divider ang bathroom para sa shower, may malaking bathtub sa gilid at may toilet bowl na katabi ng sink at tissue dispenser.



Lumingon ako sa kwarto at nakita si Lazarus na tila malalim ang iniisip, nakaupo ito sa dulo ng kama at nakatingin sa sahig. Salamin ang pintuan kaya't kitang-kita ko ang pigura niya kahit nasa loob ako ng glass shower partition.



Napailing na lamang ako at tumalikod upang ihanda ang tamang timpla ng tubig, tinanggal ang lahat ng saplot ko sa katawan at binuksan ang shower.



Luke warm lamang ang timpla ng tubig at hinayaan ko itong dumaloy sa katawan ko.



Ramdam na ramdam ko ang katamtamang init ng tubig upang ma-relax ako. Saglit pa akong nagbabad bago ko kinuha ang sabon, dahan-dahan kong hinaplos ang katawan ko gamit ang sabon at nang dumako ako sa bandang tyan ay hindi ko maiwasang hindi mapadaing dahil sa bahagyang pagkirot.



Ihihinto ko na sana nang maramdaman ko ang pagyakap ng katawan sa akin muli sa likod.



Nabigla ako kaya muntikan akong madulas dahil sa sabon na sumasabay sa tubig pababa ng katawan ko.



"Careful," He whispered.



Hawak ng isa niyang kamay ang kaliwang braso ko at sa bewang ko naman ang kanang kamay niya.



"Ginulat mo 'ko," wika ko.



"You shouldn't pressure yourself, like I always told you, I can wait. We still have a thousand nights and days to do it." Aniya habang naglakbay ang kanyang kamay papunta sa kamay kong may hawak na sabon.



"I know. I know, Lazarus." Tugon ko.



Dahan-dahan ang kanyang kamay sa paghaplos sa tyan ko, tila puno 'yon ng ingat at takot na makaramdam ako ng kahit anong sakit.



PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon