CHAPTER 22

14.6K 453 9
                                    

CHAPTER 22




DAYS ARE ALREADY PASSED, walang nagawa si Lazarus nang pumasok agad ako isang araw matapos kong makaramdam ng ginhawa.



Naging kapalit ng pagsang-ayon niya ang pagtuloy namin ni Gemini sa bahay niya. At first, I find it really unnecessary but after a couple of hours, he made me agreed to it.



It was really a blessing that there is always a time when we argue over a small things and we finds solutions together.



Dalawang sunod na healthy ang relasyon namin ng mga nakakasama ko.



Naglalakad ako sa loob ng mall upang bumili ng bagong stationary pads sa book store, naubos na kase ang nasa opisina ko at hindi ko na inutos kay Avia dahil wala naman akong gagawin ngayong gabi.



Nag-text na rin ako kay Lazarus na didiretso ako at sumang-ayon siya dahil gagabihin rin siya ng uwi dahil sa trabaho.



Nang makapasok ako sa book store ay dumiretso na agad ako sa section ng mga shelves kung saan nakalagay ang stationary at ibang mga pad papers.



Nakita kong nag-iisa na lamang ang stationary pad na ginagamit ko kaya dadamputin ko na sana nang may kasabay akong dumampot.



Nang-angat ako ng tingin at nakita ang isang lalaking hindi katandaan ang itsura.



Nang magtama ang aming paningin ay tila sabay kaming napakunot.



"I remember you," Aniya.



"Ikaw yung nasa boutique, hindi ba?" Tanong ko.



He smiled, matangkad ito at ang tindig ay talaga namang mukhang magandang lalaki nung kabataan niya pa.



"You're here too, I guess you can spare this one to me. Tutal pinaubaya ko naman sa'yo yung dress noon." Aniya nang nakangiti na tila kailangan niya talaga nung stationary pad.



"I didn't bought the dress but sure, you can have this. It seems like you need this more than I do." Sagot ko.



Kinuha niya ang stationary pad, "Thank you, you're such an angel. May I know your name?" Tanong niya.



Nilahad ko ang aking kamay, "I'm Grace, Graciel Alonzo." Pakilala ko.



He smiled widely, "It was nice meeting you again, Grace. I'm Caelus. As much as I would like to treat you dinner for this but I'm in a hurr--" Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.



"No, no, it is fine. It's not mine to begin with, you can go now." Wika ko, nag-thank you siyang muli at nang paalis na ay muli siyang humarap sa akin.



Binigyan niya ako ng isang business card, "If there is anything you need, don't hesitate to contact my secretary." At pagkatapos kong tanggapin ang card ay umalis na siya ng tuluyan.



Nagkibit balikat ako at binulsa ito, hindi ko naman kailangan pero itatabi ko na lang para sure.



Tumingin ako sa mga iba pang stationary pads na nadoon ngunit walang pumasa sa taste ko, kung hindi overly designed ay puro sobrang plain naman.



Hindi na lamang ako bumili at lumabas na ng book store, nagtungo ako ng Jollibee upang mag-take out ng pagkain.



Habang nasa pili ako sa loob ng fastfood restaurant ay nag-vibrate ang cellphone ko, tinignan ko 'yon at nakita ang pangalan ni Lazarus sa screen.



PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon