CHAPTER 30

12.6K 335 23
                                    

CHAPTER 30







"ARE YOU REALLY OKAY?" I regained my consciousness when Aliza spoke.






Napalingon ako sa kanya at ang kilay niya ay nakaangat sa akin, "You're always spacing out after we arrived here in Japan yesterday. Is there a problem?" Tanong niya sa akin.






"I'm fine." Tugon ko.






Pagkarating sa Japan ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang hintayin ang tawag ng pinuno ng organization.






Panay ang sulyap ko sa telepono na konektado sa linya ng telepono sa opisina niya. Nasa iisang building lamang kami ngunit ang opisina niya ay nasa second floor kung saan walang pwedeng umakyat kung hindi siya at ang kanang kamay niya lamang.






"You're confused." Aniya.






Napatingin ako sa kanya nang marinig ang sinabi niya, "Stop jumping into conclusions and focus on your job." Tugon ko.






Bahagya siyang tumawa at sumandal sa backrest ng sofa na kinauupuan niya, magkapatong ang mga paa niya na nakatungtong sa center table kung nasaan nakalagay ang isang astray.






"Red is right, you really suck at lying." Dugtong pa niya at pumikit.






Ginawa niyang unan ang dalawa niyang braso, "Do you still remember how we entered this kind of world?" Tanong niya.






Ibinuga ko ang usok na nagmula sa sigarilyo na kanina ko pa pinagtutuunan ng pansin dahil sa iritasyon.






"You were that weak little teenage girl who were dragged in this kind of world, and I was the wicked girl who wanted to escape the pain and cruelty. But I walked in the wrong path again. To be honest, I really hate you. You remind me of someone that I don't want to remember. Ever since you joined the org, I feel like you replaced me." Wika niya.






Mas matanda si Aliza ng tatlong taon sa akin at mas nauna siyang pumasok sa organisasyon bago ako.






"But as I witnessed how you strive to become stronger for the past years, I realized something... Someday, you will be the person who will save me." Dumilat siya at tumingin sa akin.






"That's why I trained you, and look..." Tinuro niya ako at ngumisi.






"I created a demon." Dugtong niya.






"Mischief may be the heart of the organization but you are the brain. Among his toys, you are the only one who are capable of defeating him. So I will only ask one favor," Hindi ako nagsalita at hinintay ang sasabihin niya.






"Save me." Pagkatapos ay pumikit muli siya at umaktong matutulog na sa posisyon niya kanina.






Nanatili ang katahimikan sa buong kwarto kung nasaan kami, hanggang sa tumunog ang telepono na nakalinya sa opisina kung nasaan si Mischief at ang kanang kamay niya.






Tumayo ako at sinagot ang tawag, "The boss is expecting your report in his office within 5 minutes from now." Pagkatapos ay naputol ang tawag.






Kung hindi ako nagkakamali ay si Chroma ang nagsalita, ang kanang kamay ni Mischief na parating nagsasalita upang magbigay ng target sa mga galamay ng organisasyon.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now