CHAPTER 42

13.8K 489 137
                                    

CHAPTER 42





"HI," Nakangiti ako habang magkasalubong ang aming mata.





Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit na mahigpit lalo na humalimuyak sa ilong ko ang natural niyang amoy.





"How... Are you?" Nakangiti rin niyang wika habang tila pinapatay ang pagkailang sa pagitan naming dalawa.





"Ayos na ako ngayon, I'm living a healthy life." Tugon ko.





He's still the same, his soft smile and the way he look at me. Para bang hindi lumipas ang maraming buwan at taon sa pagitan naming dalawa na magkalayo at walang balita sa isa't-isa.





"How about you?" Tanong ko pabalik.





Mas lalong lumawak ang kanyang kurba sa labi na tila masaya talaga siya at walang halong kasinungalingan ang ngiti sa labi niya.





"I'm good now, thankfully. I'm living a healthy life too and I'm doing good." Sagot niya naman sa akin.





"L-Lazarus," Ni-walang boses na lumalabas sa labi ko habang pilit na binabanggit ko ang kanyang pangalan.





"Hmm?" Takhang tanong niya.





"I'm wondering if you're seing someo--"





"Daddy!" Natigilan ako nang may isang batang babaeng tumakbo papalapit sa kanyang at tumawag sa kanya ng daddy.





Malawak ang ngiting sinalubong siya ni Lazarus at walang sabing kinarga niya ito.





"How's my baby?" Tanong ni Lazarus sa bata.





Tila pinunit ng paulit-ulit ang puso ko nang masaksihan ang nasa harapan ko ngayon.





"I'm fine, daddy. I'm just wondering if I can buy this chocolate for mommy..." Paalam ng bata sabay pakita ng isang pakete ng chocolate sa kanya.





Bahagyang natawa si Lazarus pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo, "Of course, mommy will be happy." Sagot niya sa bata.





Tsaka niya lamang ako nilingon muli, "By the way, baby, this is tita Grace. Say hi," Utos ni Lazarus sa bata.





Lumingon ito sa akin at tsaka ko nakita ang kabuuan nito, napakaamo ng mukha at kamukhang-kamukha ni Lazarus.





Malawak itong ngumiti sa akin, "Hello po," bati niya.





Kahit tila maiiyak na ako ay nagawa kong ngumiti dito pabalik, "Grace, this is my daughter, Angela." Pakilala niya sa bata.





"Zaniel," Napalingon ang dalawa nang may tumawag sa kanya na pamilyar na boses.





Pagkatingin ko ay ang babaeng nang-iwan sa kanya sa altar noon, "Oh hi, my name is Cassandra. I'm Zaniel's wife." Pakilala ng babae sa akin.





AGAD akong napamulat ng mata nang hindi ko na kinaya ang lahat ng nasa isip ko.





"And that's the future that you're afraid to accept." Natagpuan ng mata ko si Joanna na nakaupo sa isang swivel chair habang sumisimsim ng kape.





Pawis na pawis ang buong mukha ko kahit fully air conditioned ang buong opisina niya dito sa ospital.





"P-Pengeng tubig," Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa hospital bed na hingal na hingal.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWo Geschichten leben. Entdecke jetzt