CHAPTER 29

12.4K 424 65
                                    

CHAPTER 29






MABILIS na lumipas ang bawat mga araw, hindi ko namalayan na tatlong araw na lamang bago matapos ang palugit na binigay sa akin.






"Nakapasok na si Gemini?" Tanong ko nang makababa ako sa living area kung nasaan si Lazarus na tila may iniisip na malalim.






Tila hindi niya narinig ang sinabi ko kaya't nang mapansin 'yon ni manang ay siya na ang sumagot.






"Oo, pinahatid ko na kanina bago mag-ala sais. Nahanda ko na rin ang almusal niyo ni Zaniel sa dining area. Teka sandali at gagawan ko na kayo ng kape." Aniya at nagtungo sa kusina.






Naupo ako sa tabi ni Lazarus at tsaka niya lamang napansin ang presensya ko, sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya nang makita ako.






Hinalikan niya ang noo ko bago nagsalita, "Good morning." Bati niya, ngumiti ako pabalik at nang makita kong may kakaiba sa kanya ay kumunot ang noo ko.






"May problema ba?" Tanong ko.






Umiling siya, "I'm just tired, the company is stressing me out this past few days." Sagot niya.






"Gano'n ba? Edi magpahinga ka muna, 'wag ka na munang pumasok." Suwestyon ko, umiling siya.






"I can't, I need to go to Cebu for the construction of the factories and buildings. I need to be there." Tugon niya, napatango-tango ako.






Mas makakabuti rin para mas makakilos ako ng maayos, hangga't maaari ay ayokong malaman niya.






"Ilang araw ka doon?" Tanong ko.






"Three days." Sagot niya.






Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan ang isasagot niya, "Three days?" Pag-uulit ko upang makasigurado.






"Yes, I'll stay there for three days. Don't worry, I'll ask Caspian to look after you while I'm away. And I'll call you from time to time so you won't miss me that much." Sagot niya, tumawa pa siya nang bahagya dahil sa huling sinabi niya.






Napailing ako upang itago ang pagkagulat sa hindi ko inaasahang haba ng araw na wala siya.






"Kung ganoon, kailan ka aalis?" Tanong kong muli.






"I'll just finish packing and then I'll go." Sagot niya.






Tumango na lamang ako, pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang mag-empake.






Inayos ko ang mga damit na dadalhin niya at maging ang susuotin niya sa araw na 'to.






Nang matapos siyang maligo ay ako ang nagsuklay ng buhok niya at ako rin ang nag-ayos ng necktie na kapares ng suot niya.






"Are you okay?" Tanong niya sa akin habang hinihigpitan ko ang kanyang necktie, ngumiti ako.






"Mami-miss kita." Wika ko.






Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko, "I will miss you too, I'll just finish what I need to finish in Cebu then I'll run back to you." Aniya.






Niyakap ko siya sa bewang at isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.






This will be the last time I will feel his warm hug.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now