CHAPTER 5

19.1K 578 36
                                    

CHAPTER 5







"THIS is where you live?" Tanong niya sa akin nang makarating kami sa tapat ng building ng condominium na tinutuluyan ko.





Napakunot ang aking noo, "May problema ba sa tinitirahan ko?" Nakaangat na kilay na tanong ko.






Agad siyang tumikhim, buong byahe ay walang nagsasalita sa amin. Mahirap man paniwalaan pero nahihiya akong magsalita dahil nakakahiya kung ako lang ang mage-effort magsalita.







Agad siyang bumaba at umikot ng sasakyan upang pagbuksan ako ng pintuan, "Hold my hand," aniya. Kumunot ang aking noo,






"At bakit ko hahawakan ang kamay mo?" Tanong ko.






Nagsalubong ang may kakapalan niyang kilay, "Because I'm helping you?" Patanong niyang sagot at talagang mahihimigan mo ang sarkasmo.






Napairap na lamang ako at hinawakan ang nakalahad niyang kamay para sa akin, tinulungan niya akong makababa ng sasakyan.






"Nako, ma'am Grace, ano pong nangyari sa'yo?" Tanong ng gwardiya na madalas na nagroronda kapag umuuwi ako ng madaling araw.






"Natapilok ako but I'm fine," tugon ko.






"Gusto mo ikuha kita ng wheel chair, ma'am?" Tanong ng gwardiya. Agad kong nilingon ang kaibigan ng asawa nila Joanna.






"You can leave, thank y--" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.





"Anong unit mo?" Tanong niya sa akin.





"Magpapakuha na lang ako ng wheel chair para hindi ka na umakyat pa, baka matraffi--" muli niya na naman akong pinutol sa pagsasalita.






"I have a unit here too, I'll stay there because I'm sleepy." Paliwanag niya, agad kong pinagdikit ang labi ko sa hiya.






"Sige, 'wag na." Wika ko sa gwardiya dahilan upang umalis na ito pagkatapos bumati ng magandang gabi.






"Ano nga palang unit mo?" Tanong ko sa kanya.






Hindi agad siya sumagot, "What's your unit number?" Tanong niya sa akin.






Agad kong sinabi sa kanya ang floor at number kaya nang bumukas ang elevator aya agad kaming sumakay. Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya tumikhim ako upang basagin 'yon.






"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko.






"Ayos lang kung ayaw mong sabihin, hindi naman tayo close. Gusto ko lang magpasalamat ng formal kahit 'di halatang sincere." Dugtong ko upang hindi na mas lalong mapahiya.






"I'm Lazarus." Pakilala niya.






Napatango-tango ako, tumunog ang bell ng elevator hudyat na nasa floor na ako ng unit ko.






Nakaalalay pa rin siya at sa paghawak niya sa balikat ko upang sumuporta sa pagtayo ko ay tila ingat na ingat na walang mahawakang sensitibong parte.






Agad kong inenter ang pin number ng unit ko at tumunog ang opening sound no'n, nakita kong bukas pa ang ilaw kaya hindi ko alam kung gising pa ba si Gemini o tulog na.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now