CHAPTER 14

16.4K 543 43
                                    

CHAPTER 14






NAALIMPUNGATAN ako nang marinig na mag-alarm ang kung kaninong cellphone na nasa ibabaw ng center table.






Nagmulat ako ng mata at umakmang aabutin ang cellphone nang maramdaman ang nakadagan na braso ni Lazarus sa aking bewang.






Nakatalikod ako sa kanya habang ang braso ko ang gamit kong unan.






Inabot ko ang cellphone at pinatay ang alarm, nakita ko sa orasan na five thirty na ng umaga kaya kinusot ko ang aking mata at akmang tatayo nang bahagyang dumaing si Lazarus sa likod ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.






"Hmm... Don't leave." He whispered using his morning rasp voice.






"Hindi pwede, may pasok ako sa clinic." Tugon ko.






Hindi siya sumagot at mas hinigpitan lamang ang yakap sa akin.






Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya.






Pinakatitigan ko ang natutulog niyang mukha, simula sa kilay niyang may kakapalan hanggang sa makapal at mahaba niyang pilikmata na tila mga pagmamay-ari ng anghel.






I traced the bridge of his nose down to the tip of it, ang tangos ng kanyang ilong at kung tutuusin ay mukha siyang pinaghalong lahi.






Hanggang sa dumako ang tingin ko sa kanyang maputlang labi.






It wasn't like the lips of an ordinary male lead in a good book. His lips isn't red. It is somehow pale and looks like the lips of a dying patient.






Hinawakan ko ang kanyang labi gamit ang aking hinlalaki at hinaplos ito.






His eyes suddenly opened, pumungas pa ito at animo'y gusto pang pumikit at matulog muli.






"Good morning..." Nakangiting wika niya.






Hindi ako sumagot at isiniksik lamang ang mukha ko sa kanyang dibdib. Narinig ko siyang bahagyang tumawa bago halikan ang aking buhok.






"How's your sleep? Are you comfortable?" Tanong niya.






Tumango ako, sa totoo lang ay ang tulog ko na yata na 'to ang pinakamapayapang tulog na nagawa ko simula pa noon.






Yung pakiramdam na parang ligtas ako sa bisig niya at parang napaka-importante kong tao habang yakap-yakap niya ako sa pagtulog.






"Let's stay like this for a while." Aniya.






Hindi ako umimik at nagpatuloy lamang sa pagsandal ng aking mukha sa kanyang dibdib.






The feeling that I have right now, yung pakiramdam na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman kahit kanino.






Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.






Para akong bata na umiiyak sa simpleng bagay, pinilit kong hindi ipaalam kay Lazarus ang pag-iyak ko ngunit hindi ako nagtagumpay nang bahagya siyang lumayo at inangat ang aking mukha upang makita kung anong ginagawa ko.






"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.






Umiling ako at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking palad.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now