CHAPTER 11

15.9K 542 54
                                    

CHAPTER 11


ANG plano namin ni Gemini na sa linggo bibili ng mga gamit niya sa eskwela ay hindi na matutuloy dahil pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami ng National Books Store para bumili.

Habang naglalakad kami papunta sa store ay hindi mawala ang higpit ng hawak ni Lazarus sa kamay ko na akala mo ay mawawala ako.

Si Gemini naman ay nauuna sa amin sa paglalakad.

"Are you comfortable?" Tanong niya habang tinutukoy ang paghahawak namin ng kamay.

Hindi ako sumagot at pinisil ko lamang ang palad niya para ipahiwatig na ayos lang sa akin.

"Pumili ka na ng mga gamit mo." Utos ko kay Gemini nang makapasok kami sa NBS.

Tumango lamang siya habang nakasunod kami ni Lazarus, tulak-tulak niya ang cart gamit ang isang kamay niya.

"Do you still remember?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ang alin?" Tanong ko.

"This is where I first saw you. You're with Drishti." Pagkukwento niya.

Pilit kong inalala ang tagpo na sinasabi niya at nang maalala ko ay tsaka lamang ako napatango-tango.

"Ah, oo! Nung natapunan yung libro ni Drishti noon. Teka, nandoon ka pala no'n?" Tanong ko.

Tumango siya, "We came back after but you weren't with her anymore." Tugon niya.

"Ah oo, may date kase kami ni Marv--" Agad kong pinigilan ang sarili kong magbanggit ng pangalan.

"Sorry." Wika ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang pisnge ko, dumukwang siya ng halik sa noo ko bago magsalita.

"It's fine." Aniya. Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya nanlalabi ko siyang tinignan.

Nagpatuloy kami sa pagsunod kay Gemini, naglalagay siya nang mga gamit na kakailanganin niya sa school at ako naman ay tumitingin ng mga stationary na pwede kong ilagay sa opisina ko sa Clinic.

"Yuck, pati sa ballpen may ganyan," Wika ko sabay turo sa dalawang magkasamang Ballpen na magkabiyak na puso ang design.

Natawa siya at kinuha ang dalawang ballpen, ibinigay niya sa akin ang isa at sa kanya naman ang isang kabiyak.

"Let's keep this." Aniya. Napailing na lamang ako bago sumang-ayon.

"Ma'am, 4, 599 Pesos po lahat." Nang nasa counter na kami ay akmang maglalabas ng wallet si Lazarus nang pigilan ko siya.

"Ako na magbabayad." Wika ko.

"No, it's fin--" Agad ko siyang hindi pinatapos sa pagsasalita.

"It's my responsibility to my niece. Let me pay for it," Paliwanag ko.

"Sir, sino po ang magbabayad?" Tanong ng babae sa cashier.



"Ako, miss." Sabat ko sabay abot ng five thousand.




Tinanggap 'yon ng babae at nang makuha ko ang sukli ay akma kong bubuhatin ang kalahati ng pinamili namin nang agawin sa akin ni Lazarus.




"Tulungan na kita." Suwesyon ko sabay pilit na inaabot ang dalawa sa hawak niyang apat na plastik nguniy iniwas niya 'yon at binuhat gamit lang ang isang kamay.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now