CHAPTER 23

13.4K 478 37
                                    

CHAPTER 23






"MANAHIMIK NA NGA KAYO." Wika ko at pareho silang masamang tinignan.






Kakatapos lamang ng Parents and Teachers Conference sa Auditorium at papunta na kami sa classroom kung nasaan si Gemini.




Kung kanina ay si Lazarus lamang ang pinagtitinginan ng mga teacher at mga magulang ay ngayon ay dalawa na sila ni Red.




Magkasing-tangkad lang ang dalawa at pareho pang may ipagmamalaki ang mukha kaya't hindi ako nagtataka sa atensyon na nakukuha nila.




"Kanino pong parents?" Tanong ng teacher na nasa labas ng room number na sinabi ni Gemini.




"Pamangkin ko po si Gemini." Tugon ko.




"Ah si Gemini, pirma na lang po kayo dito." ngumiti ang teacher.




Habang pumipirma ako ay nagsalita muli ang teacher niya, "May pinagmanahan naman po pala si Gemini, bukod sa matalino ay may nagmana rin sa itsura." Aniya.




Iginaya niya kami papasok ng classroom, malaki ito at tila doble ng isang ordinaryong classroom namin noong high school kami.




Bawat isang estudyante ay may isang upuan na nakalaan para sa parent na umattend para sa kanila.




Nakita ko si Gemini na nasa pinakadulo kaya lumapit kami sa kanya, "Sino siya?" Tanong ni Gemini sabay turo kay Red.




"He's nothing." Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Lazarus.




Ngumisi lamang si Red, "Hi, I'm Red. I'm Grace's friend." Pakilala ni Red.




Naupo ako sa tabi ni Gemini at nakatayo naman sa magkabilang gilid namin si Lazarus at Red.





"Good afternoon, everyone. I'm teacher Raquel, ako po ang advisory teacher ng mga anak at pamangkin niyo. As you can remember earlier po sa PTC sa auditorium, ngayon po ang bigayan ng cards ng mga bata at gumawa ako ng tokens and certificate to congratulate those students who excelled in class." Paliwanag ng guro.





May nagtaas ng kamay sa isa sa mga parents na nasa unahan, "It is ranking po based on the average of the students?" Tanong nito.





"Yes po, Mrs. Flores. The ranking is based on the performance of the students through out the grading period." Paliwanag ng guro.





Tila nag-almahan ang ibang mga magulang, kesyo unfair at discrimination raw ito sa mga hindi nag-e-excell sa mga klase.





"Parents, the certifications and the small tokens of appreciation is given to the students who are on top of every classes. The school administration is giving those to inspire other students and it isn't created to make them feel like they are being discriminated." Paliwanag muli ng guro sa mga magulang.





"And let's remind ourselves that at the end of the day, it isn't the certificates and the awards that will define them, every child is special so let's be the role model to mold their mindset that not everything is a competition. Let's create a peaceful environment for them to enjoy studying." Dugtong pa ng teacher nila Gemini.





Napangiti ako, she's the kind of teacher that I want my future children to have.





I'm at peace, alam kong nasa mabuting mga kamay si Gemini sa tuwing nass eskwelahan.





PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon