CHAPTER 12

16.7K 542 18
                                    

CHAPTER 12






WEEKS went by, ang ikli ng panahon at nagising na lang ako isang umaga na malapit na pala ang tinutukoy ng mama ni Lazarus na Death Anniversary ng lola niya.






After that night, I didn't open that topic again.






Nirerespeto ko ang pribadong buhay niya at sa tingin ko ay hindi pa ganon kalalim ang relasyon namin para ikwento niya ang relasyon niya sa pamilya niya.






And I respect that.






"Grace," Kakatapos lang ng pasok ko sa araw na ito sa clinic at palabas na ako nang makita si Lazarus na nakatayo sa tapat ng kotse niya.






Malapad akong ngumiti at lumapit sa kanya, agad na pumalibot ang braso niya sa aking bewang at nang magkalapit kami ay hinalikan niya ako ng mabilisan.






"Ba't nandito ka?" Tanong ko nang maglayo ang aming labi.






"Let's have a date tonight." Pag-aaya niya.






Tumawa ako, "Kaka-date lang natin last week ah?" Tanong ko.






Niyakap niya ako at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.






"I just missed you... So much." Naging busy kase siya nitong mga nakaraang araw dahil nagkaroon ng problema sa kumpanya na pag mamay-ari niya.






"I missed you too." Tugon ko.






Humiwalay siya at hinawakan ang kamay ko, 'di hamak na mas matangkad ito sa akin kaya kung minsan ay sumasakit ang leeg ko kakatingala sa kanya.






Napagpasyahan namin iwan ang sasakyan ko sa Clinic dahil ihahatid na lang raw niya ako bukas.






"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makapasok kami ng sasakyan niya.






"Secret." Nakangiting aniya.






Napailing na lamang ako, kung minsan ay may topak rin ang isang 'to.






Minsan sobrang tahimik, minsan madaldal pero sa ngayon ay mas madalas ang pag ngiti-ngiti niya.






"How's your day?" Tanong niya habang nasa daan pa rin ang paningin.






"Kapagod, hindi ko na maramdaman ang likod ko dahil halos buong araw akong nakatayo." Pagkukwento ko.






Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad, "Let's have a date indoor." Aniya.






Kumunot ang noo ko, "Huh? 'Wag kang mag-alala, okay lang ako." Tugon ko.






"I know, but it will be better you have enough rest. Let's just go home, I'll cook for us." Wika niya.






Kumunot ang noo ko, "Marunong ka?" Tanong ko.






He chuckled, "I wouldn't survive if I can't, baby."






Natigilan ako sa gaspang ng boses niya, 'yon ang unang beses na marinig kong tawagin niya ako ng gano'n.






Humigpit ang hawak ko sa aking hita at pinigilan ang sumigaw ng malakas. Ang isip ko ay nabibingi na sa lakas ng mga salita sa isip ko.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now