CHAPTER 13

16K 554 75
                                    

CHAPTER 13 | NSFW R18+





NANG makabalik si Lazarus pagkatapos ilagay ang mga pinagkainan namin sa kusina ay naupo siya sa tabi ko.




Inobserbahan ko siya miski ang kanina niya pa tinatakpan habang nanonood kami ng palabas.




"What do you want to watch next?" Tanong niya habang ang mata ay nasa TV at tila naghahanap ng pwedeng mapanood.




Hindi ako sumagot at tinignan lamang siya habang inililibot ang aking paningin sa kabuuan niya habang nakaupo sa aking tabi.




"I said, what do you want to watch next?" Pag-uulit niya sa kanyang tanong.




Tumikhim ako at tumingin sa screen ng TV kung nasaan ang mga palabas.




"Sige, baba mo pa." Utos ko.




Gusto kong malaman kung hanggang saan ang itatagal niya kaya nakaisip ako ng paraan at solusyon kung paano malalaman.




"We're almost at the bottom, Grace." Tila nababagot na wika niya.




"Sige lang, wala akong makitang maganda e." Sagot ko at hinawakan ko pa ang aking baba upang ipakitang seryoso ako sa pagpili.




Nang mahanap ng mata ko ang gusto kong mapanood ay nagsalita ako, "'Yan! 'Yan na lang, mukhang maganda." Wika ko.




Tumingin siya sa akin na parang ubos na ubos na ang pasensya niya sa akin.




"Really? Are you serious, Grace?" Tanong niya na tila hindi makapaniwala.




Tumango-tango ako ng nakangiti bago isandal ang aking ulo sa kanyang balikat.




"Sige na, pinag-uusapan nila Avia 'yan sa Clinic kanina. Maganda raw." Pagkukwento ko.




Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga bago niya pisilin ang buto sa kanyang ilong at tumingin sa akin.




"You're really pain in the ass." Aniya bago walang nagawa at pindutin ang palabas na tinuro ko.




Nakabalot pa rin ako sa kumot, opening pa lang ay nagsumiksik na ako sa gilid ni Lazarus upang asarin siya lalo.




Madami akong nababasa noon sa mga libro at napapanood sa internet ngunit kahit isang beses ay hindi ko pa nasusubukang gawin noong kami pa ni Marvin.




Hindi ko alam kung tama lang na hindi ko sinubukan dahil ang lakas ng instinct ko na magbe-break din kami o talagang damang-dama ko ang pagiging isang lahi ng dalagang Pilipina noon.




Nagre-revolve ang kwento ng palabas na pinili ko sa isang company owner at isang college senior na babae na nagtungo sa kumpanya ng lalaki upang gumawa ng interview para sa isang paper.




Magandang ang istorya nito at talagang nakaka-hook ang bawat scene.




Hanggang sa mapunta kami sa part kung saan nangyari ang unang pag-iisa ng dalawa.




Nakatutok lamang ako sa screen at tila na-okupa ng palabas ang atensyon ko kaya nawala sa isip ko ang gusto kong gawin kay Lazarus.




Intense ang scene at sa una ay kaya ko pa ngunit nang dumako sa part na may talian at sakitan na nagaganap ay pumikit na ako.




Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa tabi ko kaya napatingin ako kay Lazarus na nasa TV ang paningin.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now