CHAPTER 4

19.5K 570 59
                                    

CHAPTER 4



PAGTAPAK ko pa lang sa tiles na sahig ng Pub ay langhap na langhap ko na ang mint na amoy ng mga usok na lumalabas sa bawat sulok.




Kung sa ibang Club ay unang pasok mo pa lang ay matapang na amoy ng alak agad ang hahalimuyak sa'yo, dito ay hindi. Dinesenyo ang mint scent na usok na lumalabas sa bawat sulok upang labanan ang matapang na amoy ng alak at sigarilyo. Hindi naman gano'n kakapal kaya't kita ko pa ang dami ng tao na nasa dance floor at ang maingay na mga tao sa bawat table.




"Table for how many po, ma'am?" Tanong ng babae na sa tingin ko ay taga-assist ng bagong dating, ngumiti ako.




"Reservation, Nadine Obiendo." Tunog ko. Tumingin siya sa tablet na hawak niya bago malaki ang ngiting iginaya ako.




"This way po, ma'am." Aniya.




Sinundan ko siya, nadaanan namin ang mga table na puro metal chairs, hanggang sa makarating kami sa puro reserved table na puro black couch ang upuan.




Tsaka ko naaninag si Nads, Ervin, Ejay, Lorenz at Andrea na nandoon.




"Oh nandito na ang bruha!" Tumatawang wika ni Nads.




"Enjoy po, ma'am." Wika ng taga-assist bago kami iwan. Nginitian ko siya pabalik bago ako naupo sa gitna ni Nads at Andrea.





"Tangina ka, antagal mo!" Ani Yang.





"Ang tagal mo ring mamatay." Tugon ko, may tatlong bote na ng hard drinks na nasa ibabaw ng table kaya agad kong tinagay ang nasa baso ni Yang.





"Ba't kayo lang?" Tanong ko sa kanila.





"Gago, tinawagan ko si Drishti. Busy raw siya tas si Joanna naman nasa Palawan, may seminar raw do'n, si Karen busy sa asawa. Ta's si Ma--" Agad na sinubuan ni Nads ng slice ng lemon si Ejay sa bibig.





"Tangina ng bibig neto walang preno kahit kelan!" Pabirong wika ni Yang sa kanya.





Nangasim ang mukha ni Ejay kaya tumawa ako, "Tangina mo kase e." Wika ko.






"Tanginang 'yan, halatang mga wala kayong kalandian ah. Always available e." Wika ko, tumawa si Lorenz at sabay alma ni Yang.






"Gago, makapagsalita ka parang may kalandian ka ah." Aniya.






"Gago, study first ak-- aray, tangina!" agad akong napahawak sa batok ko nang batukan ako ni Nads.






"Tangina mo, 'di ka na estudyante." Aniya. Inirapan ko siya at uminom muli.






"Okay lang walang jowa, at least sumasahod ng six digit." Tugon ko.






"Palusot ka pa, tangina mo." Ani Nads.






Napailing na lang ako at kumagat sa pulutan na nasa lamesa, hindi ko alam kung anong nangyari kay Nads at Ejay pero sa pagkakatanda ko ay naging sila noon.






"Gago, alam niyo ba yung tungkol kay Bangki?" Tanong ni Ejay sa amin.






Lahat kami ay napatingin sa kanya ng may pagtataka, "Sino 'yon?" Tanong ni Lorenz.






"Sino na naman 'yan? Tangina mo chismoso ka talaga e." Ani Nads.






"Gago yung kaklase natin nung 3rd tsaka 4th year nung high school. Yung sobrang payat." Sagot ni Ejay.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now