CHAPTER 9

17.5K 537 37
                                    

CHAPTER 9




KINABUKASAN ay lumabas ako ng kwarto ko na nakaamoy ng parang may nilulutong almusal.




Nakabihis na ako papasok ng Clinic dahil maaga ako kailangan doon, ngayon ang simula ng Interview para sa mga kukunin kong bagong staffs.




"Oh," Inilapag ni Gemini sa ibabaw ng dining table ang isang paperbag.




"Ano 'yan?" Tanong ko.




Iritado niya akong tinignan, "Tignan mo na lang," aniya.




Lumapit ako upang tignan ang laman non at biglang nanubig ang bagang ko nang makita ang sinangag, tocino at itlog sa loob ng clear na Tupperware.




"Mukhang masarap ah, buti pala kinupkop kitang bubwit ka. Parati kaong busog sa'yo," Wika ko.




Inirapan lamang niya ako at bumalik sa ginagawa niyang paghuhugas ng mga pinaglutuan niya.




Aalis na sana ako nang bigla akong may maalala.




"Ilang taon ka na nga pala?" Tanong ko.




"15." Tugon niya ng hindi ako nililingon.




"Ibig sabihin grade 10 ka na? Mamaya 'wag ka munang matutulog, papupuntahin ko si Avia dito para magpatulong na i-enroll ka sa high school." Bilin ko. Doon siya natigilan.




Nilingon niya ako, "Pag-aaralin mo 'ko?" Tanong niya.




"Hindi, papapasukin kita doon bilang Janitress." Sarkastikong sagot ko sa kanya.




"Papasok na 'ko." Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis dala ang doctor's coat ko, bag at ang paperbag na ginawa ni Gemini para sa akin.






Bubuksan ko na sana ang pintuan ay nakarinig ako ng katok, binuksan ko 'yon at bumungad sa akin si Lazarus na naka-white na tshirt at beige na trousers sa pang-ibaba.






Ang tanging accessories lang na nakikita kong suot niya ay ang relos na nakapulsuhan niya.






Mukhang mamahalin at bagay na bagay sa suot niya. Ang buhok niya ay malinis ang pagkakagupit at naka-maayos na nahati sa dalawa.






"I'll take you to your Clinic." Aniya.






Pinakatitigan ko siya mula ulo hanggang paa, casual ang suot niya at bagay na bagay sa kanya.






"Let's go," Wika niya.






Humakbang siya sa gilid upang paraanin ako, nang maisara ko ang pintuan ay naglakad na kami papunta sa nakasarang elevator.






"Do you need help?" Tanong niya.






"Hindi, okay lang. Kaya ko na 'to," tugon ko at awkward na ngumiti sa kanya.






Pipindutin na sana niya ang button nang bigla itong bumukas, bumungad ang isang babae na mas matangkad sa akin ng kaunti dahil sa suot niyang heels.






"Zaniel," Wika ng babae habang tuwid na nakatingin kay Lazarus.






Kumunot ang noo ko ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Lazarus ay tila wala itong ekspresyon, "What are you doing here?" Tanong niya sa babae.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now