CHAPTER 6

17.8K 550 75
                                    

HAPPY INTERNATIONAL
WOMEN'S DAY!


CHAPTER 6




NAKABUSANGOT ako habang tumatakbo sa side walk ng BGC, nauuna siya at tila wala talagang balak na magpahabol sa akin.




Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang tumakbo lamang sa likod niya.




Chineck ko ang cellphone ko at habang patuloy pa rin sa pagtakbo, halos magthi-thirty minutes na rin kaming tumatakbo at kahit papaano ay nakakaramdam na ako ng pagod.




"Gago talaga," Mahinang wika ko habang tinitignan ang picture na pinost ni Drishti sa IG.




Sa tingin ko ay nasa Psychiatric Institution siya kung saan nagtatrabaho si Joanna.




@Ish_Sylv: Time heals all wounds.





Doon kasama ang picture ng kamay ni Ishay na may ka-holding hands mula sa maliit na butas.




Sa tingin ay ang asawa niya 'yan, pagkatapos na pagkatapos kase ng kasal ng dalawa ay sinabi sa amin ni Ishay na papasok raw ang asawa niya sa Psychiatric Mental Institution upang magpagaling.





Nabalitaan ko kase noon na hirap raw talaga itong kontrolin ang galit niya at nakakasakit ng tao. Para na rin sa kaligtasan nila Ishay at anak nila, pumasok siya doon.





Dapat nga pati ang asawa ni Joanna dahil ang siraulo na 'yon, alam ko kung gaano naghirap si Joanna nang dahil sa kanya at talagang kapag naalala ko 'yon ay 'di ko talaga maiwasang hindi magalit.





Kung katulad lang nila ang mapapang-asawa ko ay hindi na lang, baka mas lalo lang silang mabaliw.





"Ay tangina!" Napamura ako ng malakas nang may bumunggo sa akin.





Nalaglag ang cellphone na hawak ko sa lupa at kitang-kita ko kung paano 'yon nagka-crack.





Galit kong nilingon ang taong bumunggo sa akin, "Hoy! Tignan mo nga ang ginawa mo!" Bulyaw ko.





"Ikaw kaya ang bumunggo sa akin!" Sigaw niya pabalik, lalaki ito at maraming kasama na kaibigan ata. Puro mga naka-jersey at may dala-dalang bola na kasing kinis ng ulo ng sa tingin ko'y captain nila dahil sa number na nakalagay sa jersey.





Dinampot ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya, "Nabasag ang cellphone ko dahil binunggo mo 'ko!" Muli kong wika.





"Ikaw ang bumunggo dahil hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo." Aniya, umismid ako dahil sa kayabangan ng tono niya.





"At wala ka pa talagang balak mag-sorry ah?" Tanong ko.




"Pre, mag-sorry ka na. Chix 'yan, pre." Bulong ng katabi niya kahit rinig na rinig ko naman.




Biglang ngumisi ang nakabunggo sa akin at ngumiti ng nakakadiri.




"Pasensya na, miss. Hindi ko sinasadya..." Aniya at hinawakan ang kamay ko. Tumuloy pa 'yon hanggang braso ko kaya walang inhibisyon ko siyang binayagan.




"Gago ka, hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng magandang asal?" Tanong ko at binigyan naman ng suntok ang kanyang ilong.






Na-alarma ang lahat ng kasama niya at tila nagalit sa ginawa ko sa kasama nila, "Bigyan niyo ng leksyon ang siraulo na 'yan!" Halos namimilipit sa sakit na wika ng binayagan ko.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon