CHAPTER 36

12.7K 404 46
                                    

CHAPTER 36






MALIWANAG na nang magising ako mula sa pagkakatulog, mataas na ang sikat ng araw at amoy na amoy ko na ang nilulutong sinangag ni papa para sa agahan namin.






Bumangon na ako at naligo, ngayon ang unang araw ng pasok ko bilang grade ten student at ngayon rin ang huling taon ko sa Junior High School.






Sa mga nakalipas na taon ay sa probinsya ako nag-aral, walang linggo na hindi pinapatawag si papa ng guidance office upang isumbong ang mga kalokohan ko sa paaralan kaya't nang tumungtong ng grade ten ay hindi na nagdalawang-isip si papa na tumira kami ng Maynila upang mabigyan ako ng panibagong mga taong makikilala.






"Anak, pakiusap naman magtino ka na..." Wika ni papa habang sinasalinan ng tubig ang baso ko.






Tapos na akong kumain ng almusal at inaayos ko na lang ang mga gamit ko sa unang araw ng pasukan.






"Maayos naman ang grades ko nung mga nakaraang taon ah," tugon ko.






"Maayos nga ang grado mo puro pasa naman ang mga kaklase mo." Tugon niya.






"Eh ayaw nila sa akin e, edi ayaw ko rin sa kanila." Sagot ko naman.






Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko sa aking balikat, inayos ni papa ang pagkaka-ayos ng kwelyo ko at ngumiti siya.






"Ang dalaga ko... Malaki na. Parang dati binubuhat lang kita ss balikat ko, ngayon ang bigat mo na." Aniya.






Napangiwi ako, "Kadiri, pa. Tigil mo 'yan." Wika ko.






Tumawa siya at hinalikan ang noo ko, "Sige na, pumasok ka na. Mababait ang mga estudyante doon kaya't siguradong may magiging kaibigan ka." Aniya.






Hindi na lang ako sumagot dahil paniguradong hindi totoo ang sinabi niya, habang naglalakad ako papunta sa school ay marami akong mga nakasabay.






Ang iba ay grupo-grupo at ang iba naman ay puro mag-jowa.






"Tangina nitong mga 'to," mahinang bulong ko sabay kamot sa ulo.






Simula nang dumating kami dito ay naisipan ni papa na magtinda ng Pares, magaling at masarap naman siya magluto kaya't agad na pumatok ang tinda niya.






Nang makarating ako sa gate ng school ay pasara na ang gate kaya't tinakbo ko ang pagitan namin at sa awa ng Diyos ay nakapasok ako.






Agad akong naglakad papunta sa quadrangle at doon ay nakita ko ang maraming estudyante, pang-umaga ang klase ko kaya't mas maayos rin dahil matutulungan ko si papa sa pagluto sa hapon para mainbenta niya ng gabi.






"Saan yung pila ng grade ten?" Tanong ko sa grupo ng estudyante na nakakumpol sa ilalim ng hagdan.






"Anong section po?" Tanong niya.






"Seventeen." Sagot ko.






Ngumiti ito at tinuro ang pila ng mga estudyanteng wala sa ayos ang pila.






Transferee student ako kaya't inilagay ako sa isa sa pinakadulong section ng school kahit pa mataas ang mga grades ko.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now