CHAPTER 38

12.4K 368 25
                                    

CHAPTER 38






"JAPAN?" Wala sa sariling tanong ko nang marinig ko ang usapan ni papa at nang isang kapitbahay namin pagkauwi ko galing sa eskwelahan.






"Anak, dalawang taon lang naman. Tsaka pwede naman tayo magtawagan tuwing gab--" Agad kong pinutol ang sasabihin niya.






"Pa, hindi naman 'yon ang issue dito. Ang problema ay masyadong malayo ang Japan, okay naman tayo dito ah. Maayos naman ang buhay natin dito." Paliwanag ko sa kanya baka sakaling magbago pa ang isip niya.






"Grace, anak, magco-college ka na. Gusto ko namang mapag-aral ka sa magandang paaralan tsaka hindi ba't sinabi mong gusto mong maging dentista para maayos mo ang pustiso ko? Kapag nagtrabaho ako ng Japan, mapag-aaral kita sa magandang paaralan at pwede mong makuha ang kursong gusto mo." Tugon niya.






"Papa naman, malalayo ka naman sakin. 'Di bale nang hindi ako makapag-aral sa magandang university. Basta magkasama lang tayo." Sagot ko.






Lumapit siya at niyakap ako, hinalikan niya ang noo ko na tila pinapakalma ako.






"Mabilis lang ang dalawang taon, anak. Hindi mo mamalayan na nandito na ulit ako, kapag nakaipon ako, hindi na ulit tayo maghihiwalay." Wika niya.






Niyakap ko siya pabalik nang mapagtantong wala nang pag-asang mabago ko pa ang isip niya.






Talagang desidido na siyang umalis sa susunod na buwan para magtrabaho sa Japan.






MABILIS na lumipas ang bawat mga araw at linggo, ni-hindi ko namalayan na bukas na ang lipad niya papunta sa Japan at sa ngayon ay inaayos na niya ang dalawang maleta na dadalhin niya bukas.






"Wala pa ba ang mga kaibigan mo?" Tanong ni papa nang makita akong nag-aayos ng lamesa.






Inimbitahan niya sila Joanna na kumain dito sa bahay ngayong gabi dahil bukas na ang alis niya, hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng lamesa.






Hindi ko alam kung makakaya ko bang wala si papa sa bawat paggising ko sa umaga, ni-hindi ko nga laam kung kaya kong mabuhay ng ako lang sa loob ng dalawang taon.






Dumating na ang mga kaibigan ni papa na kapitbahay namin dahil pati sila ay inimbita ni papa.






"Mga pare at mare ko, kayo na munang bahala dito sa unica ija ko ah. Alam niyo namang mahal na mahal ko 'to." Pabirong wika ni papa habang nakikipagkwentuhan kila aling Remalyn at kila mang Karding.






"Oo naman, si Grace pa ba e parang mga anak na namin ang tingin namin 'dyan." Wika ni Mang Karding.






"'Wag kang mag-alala masyado kapag nasa Japan ka na, Armando. Kami ang bahala dito kay Grace, alam mo namang tayo lang rin ang magtutulungan dito." Wika naman ni aling Remalyn.






"Grace!" Narinig ko ang boses nila Ejay mula sa labas ng bahay.






"Papasukin mo na sila para makakain na kayo." Wika ni papa.






Lumabas ako at nakita silang nasa labas lahat, "Pasok na kami ah." Wika ni Ejay sabay tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay.






"Hi, tito!" Bati niya kay papa.






Sinalubong sila ni papa ng malapad na ngiti, "Kumain na kayo, ako ang nagluto niyan." Wika ni papa.






PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon