CHAPTER 28

13K 413 41
                                    

CHAPTER 28




"OKAY, TAKE CARE." Huling sinabi ni Lazarus bago ako payagang ipagpatuloy ang pagpasok ko ng clinic.




Sa kondisyon na may magbabantay na mga guard nila sa loob at labas ng clinic. Pumayag ako dahil wala rin naman akong magagawa kung hindi ang pumayag.




I maintained my straight posture while reading the papers above my table, mga dental x-ray ng nga appointment patients para sa araw na 'to.




"Doktora, nandito na po si Ms. Aliza Santiago." Wika ni Avia nang makapasok sa opisina ko.




Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pangalang binanggit niya at pagkatapos ay tinignan ko ang schedule ko sa araw na 'to at nandoon nga ang pangalan niya.




Hinubad ko ang salamin na suot ko kapag tumitingin sa mga dental x-ray, "I'll be there." Tugon ko. Binulsa ko ang isang litrato bago ako umayos ng tayo.




Lumabas na si Avia kaya't bumuntong hininga ako bago sumunod papunta sa Operatory Room.




"Nasa loob na po si Ms. Santiago, doc." Ani Avia.




Tumango ako bago pinihit ang doorknob upang makapasok.




Pagbukas ko pa lang ay bumungad na agad ang bulto ng isang babae na tila tumitingin sa mga chart na nakadikit sa pader.




Nang maisara ko ang pintuan ay tsaka siya humarap sa akin, naka-ukit ang ngisi sa kanyang labi na tila inaasahan niyang magkikita kami pagkatapos ng isang taon.




"We've met again." Nakangising wika niya.




"What do you want?" Tanong ko.




Bahagya siyang tumawa, "You know what I want, Grace..." Aniya.




Naglakad siya papunta sa dental chair at dumekwatro ng upo doon habang nanatili ang mapang-asar na ngisi sa kanyang labi.




"You know how he hated waiting for too long." Ani Aliza, nagtungo ako sa sink at naghugas ng kamay.




Nakatalikod ako sa kanya ngunit malakas ang pakiramdam ko na nandoon pa rin ang ngisi niya, "And you are one of his toys that works fast, so I'm wondering what made you delayed for one year." Aniya.




"Wala kang pake alam." Tugon ko.




Humalakhak siya, "I can do it." Wika niya na nakapagpatigil ng ginagawa kong paghuhugas ng kamay.




"I can kill your target for you without letting him know about it." Suwestyon niya.




Agad na nagpintig ang tenga ko nang marinig ang sinabi niya, hinarap ko siya at walang sabing inisang hakbang ang pagitan namin.




Kwinelyuhan ko siya, "Subukan mong galawin kahit dulo ng buhok niya, ako mismo ang papatay sa'yo." Tugon ko.




Tumawa siya na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko sa galit, "You're mad?" Tila tumatawa habang hindi makapaniwalang tanong ni Aliza.




"I've never seen his favorite dog like this before, it's an honor for me to see how furious you are right now." Pang-aasar niya, mas hinigpitan ko ang pagkakasakal ko sa kanyang kwelyo.




"Subukan mong sagarin ang pasensya ko, ibabalik kita sa kung saang impyerno ka nanggaling." Banta ko.




Nakita ko kung paano mamuo ang takot sa mata niya ngunit pinilit niyang hindi ipahalata sa akin, walang sabi kong binitawan ang kwelyo niya at tinalikuran siya.




PSYCHOPATH #6: Lazarus Fournier | Sinful EphemeralWhere stories live. Discover now