CHAPTER 1

487K 10.7K 6.4K
                                    

"Perfect!" masiglang sigaw ng manager kong si Azy nang natapos ang shoot.

Naglakad ako patungo sa dressing room at pagod na umupo sa harapan ng isang vanity mirror. Pagkatapos niyon ay agad na lumapit sa akin ang tatlo kong PA para intindihin ako. Powder dito, lipstick doon, tipikal na eksena para sa akin na isang modelo.

"Oh my gosh! Isa ka talagang definition ng perpekto, Jazzie," ani Azy na nakabuntot sa akin.

Napangiwi ako at pasimpleng napailing. Kung alam mo lang, kung alam niyo lang.

"Maganda, sexy, mayaman at marami pang iba na talaga namang kinahahangaan ng kalalakihan," patuloy niyang saad habang nakaturo pa sa kabuuan ko.

I rolled my eyes at him in the mirror and let out a deep breath. "Stop it, Azy. You knew how much I hate it," I uttered, talking about the compliments he gave.

Tinarayan niya naman ako at fl-in-ip ang imaginary long hair niya. "Hay nako! Jazzie. Hindi ko alam kung humble ka lang ba talaga o kinaiinisan mo ang katotohanan. Naku! Kung ako ang may gan'yang mukha at pangangatawan, hindi ko lang iyan sa catwalk irarampa. Kahit sa kusina, salas, o cr pa man," mahabang saad niya at humagikhik ng tawa sa huli.

"Puro ka kalokohan, Azy Angelo," naiiling kong ani.

Mabilis pa sa alas kwatrong sumama ang mukha niya. "Oh my gosh! My ear, oh my gosh!" pag-iinarte niya habang nakatakip ang daliri sa kanyang tainga.

Tipid akong natawa at saka kinuha ang cellphone ko na kasalukuyang umiilaw sa ibabaw ng vanity mirror.

My face became emotionless when I saw the name on the screen. Tamad kong sw-in-ipe ang answer button at nilagay ang telepono sa tainga ko.

"Are you done?" a cold baritone voice spoke  on the line.

"Yeah," I simply answered and signaled my PAs to stop.

Lumayo naman sila sa akin at hinayaan ako na kusang mag-ayos ng aking mga gamit.

"Jaime will pick you up," he said and then the line ended.

Napahinga ako nang malalim at inilagay ang telepono sa aking bag. "May schedule ba ako this week?" usisa ko at tiningnan si Azy sa salamin.

He pouted. "Iyong sa Paris sana kaso ayaw mo namang tumanggap ng international photoshoot," tunog naninisi at tampo niyang wika.

It's not that I don't like it.

"Sobrang dami mong offers abroad pero ni isa ayaw mong tanggapin. Sobrang laki ng pinakakawalan mong opportunity, Jazzie," pagpapaalala niya sa akin.

Pilit akong ngumiti at isinukbit ang bag ko. Naglakad ako palapit sa kanya saka marahang hinaplos ang balikat niya.

"Kuntento na ako rito sa Pilipinas, Azy."

He stared at me and then let out a sigh. "Kung iyan talaga ang desisyon mo, wala na akong magagawa pa. Vacant ang sched mo this week tulad nang hiniling mo," aniya.

Muli akong ngumiti at nagpasalamat bago tuluyang namaalam. Limang body guard ang agad na pumalibot sa akin sandaling lumabas ako ng gusali na kinaroroonan ko. May ilang camera pa ang mabilis na nagkislapan habang naglalakad ako patungo sa sasakyan na pinadala ng kausap ko kanina.

Gano'n na lang ang labis kong gulat nang nadatnan ang hindi inaasahang tao sa loob ng sasakyan nang idineposito ko ang aking sarili sa back seat. I cleared my throat and composed myself while leaning against the seat.

"You really like cameras, huh?" the man beside me spoke.

Iniwasan kong paikutin ang aking mga mata at tumingin na lang sa labas ng sasakyan kung saan tanaw ko ang tatlong paparazzi na nakabantay sa akin kanina. Hindi nila kami nakikita sapagkat tinted itong sinasakyan ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now