CHAPTER 35

233K 9K 6.5K
                                    

Valjerome let out a cold laugh. "Erom is my son," he corrected.

Chaos smirked and smiled playfully. "Last time I checked, he's my son."

"You two, enough," agad kong awat saka humarang kay Chaos.

Aaminin ko na kinakabahan ako sa sitwasyon. Maaaring naghiwalay kami ni Valjerome ng ilang taon pero kilala ko siya. He's a mafia boss. Isang pitik lang ay kaya niyang pumatay kung gugustuhin niya at iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari ngayon.

"Valjerome, hayaan mo na kaming makaalis," walang emosyon kong wika.

He looked at me, giving me back the emotionless stare. "I have three more days to be with you, Jazzie," he said.

I clenched my jaw. "With my son, Valjerome. Not with me," I emphasized.

He licked his lower lip. "Still, you're not going anywhere. You and MY son." He glared at Chaos who's standing behind me.

"Ano pa ba'ng gusto mo? Nakasama at nahawakan mo na si Erom. Ayos na 'yon, makumpleto man o hindi ang isang linggo, aalis at aalis pa rin kami."

"Hindi kayo aalis hangga't hindi mo ako napapatawad."

Napamaang ako at saka sarkastikong tumawa. "Ito na naman ba ang pag-uusapan natin, Valjerome?" inis kong sambit. "Okay! Kung iyon ang habol mo, pinapatawad na kita. Now, let us go."

I saw him clenching his jaw. "Gusto mo talagang sumama sa lalaking 'yan?" He pointed the man behind my back.

Gamit ang walang emosyon kong mata, tinitigan ko si Valjerome. "Yes. He's my fiance and also the father of my child. Why would I not?" I asked back.

Nilabanan naman niya ang paningin ko. "Then leave our child. Saka ko siya ibabalik kapag tapos na ang tatlong araw."

I fisted my hands. Taas-baba ang balikat ko sa pagbugso ng galit sa 'king sistema.

How dare him tell that in front of me?

Nalipat lang ang atensyon ko kay Chaos nang lumakad siya sa gilid ko at hawakan ang aking kamay.

"Let me handle this," he assured.

Pareho kaming napalingon ni Chaos nang nakarinig kami nang pagkasa ng baril. I was rooted in place when I saw Valjerome aiming the gun at Chaos.

"Let her go," mariin na banta niya, umiigting ang kanyang panga at madilim ang ekspresyon ng mukha niya.

Ngunit sa halip na sumunod at lalo pang pinagdaop ni Chaos ang kamay namin. "I will only listen to her," he uttered.

Napalunok ako at hindi nakapagsalita nang nakita ang pagtindi ng talim ng paningin ni Valjerome.

"C-Chaos," bulong na sambit ko.

He instantly looked at me and smiled. "It's okay. Uuwi na tayo," aniya.

I shrieked when a gunshot echoed.

"Chaos!" nanlalaki na mata kong sigaw nang nakita ang pagdurugo ng kanyang balikat.

Mahina siyang dumaing pero nanatiling nakatayo at hindi nagpapatinag. He glanced at Valjerome and gave him a sarcastic laugh.

"Chaos!" mangiyak-ngiyak kong suway.

"Huwag mo akong padaplisan. Go on, kill me," he challenged my ex-husband.

"Chaos, ano ba?!" puno ng frustrasyon kong sambit habang hinahatak ang kabila niyang braso. "Stop it!" I shouted and looked at Valjerome.

"Ano pa ba ang gusto mo, Valjerome?! Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan nang pahihirapan?!" hindi ko naiwasang maglabas ng sama ng loob.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon