CHAPTER 6

254K 8.6K 7.4K
                                    

"N-Next," alanganing sambit ng photographer habang pilit na nakangiti sa amin ni Chaos.

Sino'ng hindi kung nakatayo sa gilid niya ang asawa ko na may matatalim na tingin sa katabi kong lalaki? Hindi ko nga alam kung photoshoot pa ba ito o pagninilay dahil sa sobrang tahimik. Halos mga galaw lang namin at tunog ng shutter ng camera ang maririnig mo sa paligid. Tila lahat sila ay nakikiramdam sa maitim na awrang nakapalibot kay Valjerome. Maski ako ay hindi makaporma nang maayos dahil sa kaba tuwing mapupunta sa akin ang paningin niya.

What? Siya naman ang nagdesisyon na ituloy ang shoot kaysa pag-date-in kaming dalawa tapos kung tumingin siya ay parang kasalanan ko.

"You're too stiff," the guy beside me spoke as he encircled one of his hands around my waist for our next pose.

I gritted my teeth and glared at him. "Are you enjoying this?" I hissed lowly.

He chuckled and got closer to me. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang mariin na pag-igting ng panga ni Valjerome.

"Tingin mo?" he asked back with a playful tone.

"What do you want?" sambit ko at pilit na umakto para sa sunod na picture.

I leaned my head against his chest as I fiercely looked at the camera. I stiffened when I felt his thumb circling on my waist.

"I want you. Isn't it obvious?" he whispered. "Bakit ako babayad ng modelo para sa produkto ng kumpanya ko kung pwede na ako na mismo ang gumawa 'di ba?" dagdag niya.

"Stop touching me," matigas kong wika sa pinahinang boses at sinubukang dumistansya sa kanya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nagulat ako nang bigla niya akong kabigin at iikot dahilan para bahagya akong mapaliyad kasabay nang paghawak ko sa leeg niya. Mukha tuloy kaming nasa isang sayaw kung saan inililiyad ng lalaki ang partner niyang babae. Rinig ko ang singhap ng mga tao sa paligid dahil doon.

"Too bad. I need to hold you for this shoot," he said and smirked.

Dalawang shot ng camera ang narinig ko bago pa man ako nahila nang matigas na braso.

"Tapos na ang trabahong ito," matigas na wika ni Valjerome at tuluyang ipinulupot ang kamay sa bewang ko.

The guy, Chaos, chuckled and then licked his lower lip. "You're so possessive. Ano ba'ng relasyon mo sa kanya?" naroon ang nanunuya na tono sa kanyang tanong.

Natigilan naman ako at nakagat ang ibaba kong labi. Wala pa man ay nakararamdam na ako ng pagkabigo.

I've been his secret wife since then, of course he won't tell it.

"I am her bestfriend," Valjerome answered.

Literal na napaawang ang bibig ko at ilang beses na napakurap bago ko siya tiningnan.

Ano ulit?

Chaos laughed after digesting what he said. Kahit ako ang nasa katayuan niya ay tatawa ako ng husto.

"So... pwede na palang makialam ang bestfriend ngayon?" he mocked.

I felt Valjerome's hand tightened on my waist. Senyales na unti-unti nang nauubos ang pasensya niya sa kaharap na lalaki kaya bago pa man magkainitan ay inagaw ko na ang atensyon nilang dalawa.

"I am not feeling well all of a sudden. Okay na naman siguro 'yong mga na-shoot nating pictures," walang emosyong saad ko kay Chaos.

He looked at me and then his side lips rose. "I am still not content with it. I demand for a second photoshoot if you insist on going home," he stated.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon