CHAPTER 51

229K 8.4K 4.7K
                                    

It's already 11pm, yet I am still awake. Magdamag akong tulala, nagkukulong sa 'king silid. Nakatulog na ang anak ko sa paulit-ulit na pagtatanong sa akin kung maayos lang ako. I kept saying that I'm okay, but who am I fooling? Hindi ko rin hinarap si Valjerome nang minsan niya akong katukin sa silid para kumain, si Erom lang ang pinalabas ko para sumunod sa kanya.

My mind was messy. I don't know what to think anymore. Daig ko pa ang nagpa-flashback ng mga memorya sa isip ko.

Why, Valjerome?

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka nagdesisyong bumangon upang uminom ng alak sa ibaba. Walang nakakalat na tauhan sa paligid, ngunit gano'n pa man ay alam ko na palihim silang nagbabantay. Nagtungo ako sa mini bar at kumuha ng alak doon. Sunod akong pumunta sa ref para kumuha ng yelo, nang nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay muli akong bumalik at naupo sa bar stool chair. Nagsimula akong magsalin ng alak at diretyo itong nilagok. Gumuhit ang pait sa 'king lalamunan ngunit binalewala ko iyon.

Nasa ikalawang bote na ako nang naiinom, ramdam ko na ang pag-ikot ng paningin ko nang naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Valjerome. I smiled sadly and didn't bother to glance at him. Walang imik siyang kumuha ng kanyang shot glass at naupo sa katabi kong upuan. Tulad kanina ay hindi ko siya nilingon, nagsalin lang akong muli ng alak sa 'king baso saka iyon tinitigan.

"You didn't eat," he said and took the liquor.

Naglagay siya sa kanyang baso, tulad ko ay hindi niya rin muna ginalaw ang kanyang alak.

"Wala akong gana." Pilit kong hindi pinakita ang emosyong namumuo sa 'kin.

I heard him sigh then took his first shot. Nagpaulit-ulit lang kami sa salitan na pag-inom sa sumunod na mga minuto. The silence between us was deafening.

"I wish you a happy life with him," he murmured as he stared at his glass.

Humigpit ang hawak ko sa 'king baso kasabay nang pagkalat ng pait sa sistema ko.

How can he do that? Paano niya nagagawang hilingin na maging masaya sa iba ang taong mahal niya?

"I wish he will stay good to Erom even though he's not his real child," he continued.

I felt like my heart was stabbed by a thousand needles. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, hindi para sa akin kundi para sa kanya.

I laughed sarcastically and drank my shot. "Para sa 'yo ba?" ani ko habang nakatingin sa kawalan. "Wala kang hiling?"

Hindi siya sumagot. Peke na lang ako na ngumiti.

"Bukas..." nahihirapan niyang sambit. "Ihahatid ko na kayo ni Erom pauwi," aniya.

I held my breath hearing those words. So ayaw na niya? 'Di na siya maghahabol? Tangina.

"Alam ko... nahihirapan ka nang makisama sa akin," ramdam ko ang sakit sa gitna nang pagsasalita niya.

Oo, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. Hindi ko na alam kung paano tatanggapin ang mga pagpapahirap mo sa sarili mo.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa anak natin." Mahina siyang tumikhim, tila pinatitibay ang boses na huwag pumiyok. "Salamat..." sinsero niyang ani. "Salamat sa pagkakataong binigay mo sa akin para tumayong ama kay Erom kahit sa sandaling panahon lang."

I scoffed. "Who are you to decide for me, Valjerome? Palagi kang gan'yan. Ikaw palagi ang nagdedesisyon na dapat ay tayong dalawa." I let out a sarcastic laugh and shook my head. "Ako ang masusunod kung kailan kami aalis ni Erom," pinal kong saad at astang maglalagay ng inumin sa 'king baso.

"You should stop. Baka sikmurain ka na niyan." Pigil niya sa kamay ko.

Slowly, I looked at him. I stared at his face, then forced a smile. "Why?" I asked.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang