CHAPTER 32

241K 8.7K 5.6K
                                    

I was pacing back and forth, restlessly thinking about my ex-husband. Alas dyis na ng gabi ngunit hindi ko pa rin naririnig ang pag-uwi niya. Hindi ko maiwasan na mag-alala at makunsensya. Kung binitiwan ko lang sana agad 'yong bag ko ay hindi mangyayari ang lahat.

I bit my lower lip and I glanced at my son who's currently in his deep sleep. Slowly, realization hit me—the missing guards, everything. Valjerome did that for my son's sake.

Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko at saka naglakad patungo sa kama na pinaghihigaan ni Erom. Maingat akong tumabi sa kanya at yumakap nang mahigpit.

"Masama ba akong tao kung gusto kitang ipagkait sa kanya?" bulong na anas ko.

I admit, I can feel his sincerity towards my son. But I am afraid. Takot ako na makalimutan ko lahat nang ginawa niya sa akin dahil lang sa pagbawing ginagawa niya sa anak ko.

Natuon ang atensyon ko sa pintuan nang nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok. Mabagal akong humiwalay kay Erom saka umalis sa higaan. I walked towards the door and opened it. Agad na tumambad sa akin si Manang na may tipid na ngiti sa labi.

"Nariyan na ang asawa mo, hija," aniya.

"Dating asawa po, Manang," pagtatama ko.

Napakamot naman sa batok ang matanda. "Pasensya ka na. Masyado lang akong nasanay noon," naiiling na paumanhin niya.

Tipid na lang akong ngumiti at saka tumango. "Puntahan ko lang po muna siya. Matulog na rin po kayo."

She just nodded again and let me have my way. "Nandoon siya sa kanyang silid," imporma niya bago pa man ako tuluyang makalayo.

Hindi ko alam pero bawat hakbang ko ay ang siyang paglakas ng bawat tambol ng aking dibdib.

Ano'ng sasabihin ko?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil wala akong nakahanda na anumang salita sa pagpunta sa kanya. Sandali pa akong natigilan at napaisip.

Bakit kailangang may sabihin ako?

Dahil doon ay nagkaroon muli ako ng lakas ng loob. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na hindi naman kailangan. I will go to him because I wanted to check if he's okay. Iyon lang.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko nang narating ko ang harapan ng pintuan ni Valjerome. Sandali pa akong tumitig doon at marahan na inangat ang kamay ko para kumatok.

"Come in," mahinang dating ng boses niya mula sa loob.

Nangangatal ko namang pinihit ang segundura ng pinto at saka iyon itinulak. Natulos pa ako sa 'king pagkakatayo nang naabutan ko siyang naghuhubad ng kanyang pang-itaas na damit.

"S-Sorry," nauutal kong sambit at mabilis na tumalikod.

"It's okay, I'm not naked anyway," he said.

Hindi pa siya naked niyon? Sabagay literal na naked nga pala ibig niyang sabihin.

I cleared my throat and slowly faced him again. Ayaw ko sana pero baka isipin niyang apektado talaga ako sa katawan niya. Tss! Hindi ako marupok sa abs.

I was about to ask if he's already okay, but my eyes squinted when I saw something.

Ngayon ko lang nakita ang peklat niya sa dibdib. Para bang... isa iyong tama ng baril.

"Why are you here?"

Natuon muli ang atensyon ko sa kanya nang nagsalita siya. He's intently looking at me as if it was a miracle that I went to him.

I cleared my throat and secretly glanced at his bandage waist. "I-I just want to check if you are okay," I uttered.

"Hindi mo ako gustong mamatay?"

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon