CHAPTER 40

238K 8.3K 4.5K
                                    

"Aren't you gonna eat that?" usisa ni Chaos sa harapan ko, tinutukoy ang paperbag na kanina ko pang tinititigan sa center table.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at saka umupo nang maayos. Nasa loob na kami ngayon ng silid-pahingahan at kasalukuyang nakaupo sa sofa.

Once again, I glanced on the paperbag. Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi sa iba't ibang bagay na pumapasok sa isip ko.

Bakit niya ako pinadal'han ng pagkain?

Ano'ng plano niya?

Para saan ito?

"You know, okay lang sa akin na kainin mo 'yan kung ako ang inaalala mo," ani Chaos na siyang nakapagpatuon ulit ng atensyon ko sa kanya.

Mabilis akong umiling bilang pagtanggi sa sinabi niya. "It's not like that," depensa ko. "Medyo nakakapanibago lang kasi," pabulong na dagdag ko.

Marahan naman siyang tumango. Saglit pa siyang nagpakawala nang mahinang halaklak at naiiling na sumandal sa sofa.

"Is he courting you?" usisa ni Chaos.

"He's not!" wala sa sariling sigaw ko, huli na para mabawi pa.

Nakita ko rin ang pagkabigla niya sa reaksyon ko. Napalunok ako at inabala ang sarili sa paghipo sa mga bulaklak na nasa aking kandungan bilang pag-iwas.

"I mean... imposible," saad ko sa kalmadong paraan pagkatapos ng ilang saglit.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

Napatigil ako sa paghaplos sa mga bulaklak nang naalala ang mga nangyari sa pagitan namin ni Valjerome. Agad ko iyong inalis sa isip ko bago pa man ako maapektuhan at pilit na ngumiti kay Chaos.

"Huwag na natin siyang pag-usapan," wika ko. "Salamat nga pala sa mga bulaklak," pag-iiba ko ng usapin.

He gave me a small smile and nodded. "Masaya ako na nagustuhan mo," aniya at napakamot sa kanyang batok. "Nakakahiya lang dahil mukhang mas alam ng dati mong asawa kung ano ang mas kailangan mo," patuloy niyang saad.

Napangiwi naman ako dahil muli niyang ipinasok si Valjerome sa pag-uusap naming dalawa.

"Hindi ka ba hinahanap sa trabaho mo?" usisa ko at ipinatong sa lamesa ang bulaklak na bigay niya, itinabi ko iyon sa paperbag na inabot sa akin ni Jaime kanina.

"Pabalik na rin ako. Dumaan lang ako rito bago ko sunduin si Erom at saka kami pupuntang opisina," paliwanag niya.

Hindi ko maiwasan na maisip ang sitwasyon naming lahat. Kung dati-rati ay hindi man lang pumasok sa isip ko na ipakilala si Valjerome kay Erom, ngayon ay kinokonsidera ko iyon. Hindi dahil napatawad ko na siya, kundi para sa anak ko.

Mula nang pag-usapan namin ni Erom ang ama niya noong bumalik kami ng condo ay hindi na iyon naulit pa. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw lang mangulit ng anak ko o tinatanggap niya lang ang sitwasyong kinakaharap namin. Pilit mang itago ng anak ko sa akin ay nakikita ko sa mga mata niya ang pagkabalisa, marahil ay hanggang ngayon iniisip niya pa rin ang mga nasabi at nagawa niya kay Valjerome noong huli nilang pagkikita.

"Salamat, Chaos," sinserong usal ko.

"Iyan ka na naman sa pasasalamat mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ginagawa ko ito dahil pamilya ko kayo? Anak ko si Erom, Jazzie."

Hindi naman ako nakaimik at nilaro na lang ang mga daliri ko. "Bakit ako?" mahinang sambit ko at saka inangat ang paningin sa kanya. "Ano ba ang nagawa
ko sa 'yo para magustuhan mo ako ng ganito? Na kahit ang pagiging binata mo ay isinuko mo para sa amin ng anak ko."

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now