CHAPTER 47

226K 6.7K 3.7K
                                    

Kabaligtaran nang inaakala ko, hindi ako tinigilan ni Valjerome sa mga nagdaang araw. Oo, hindi na niya ako pinapadalhan ng mga bulaklak o anuman pero halos kada may pagkakataon siyang mambwiset ay ginagawa niya. Lalo na at ginawan niya ng paraan na umepekto agad ang resignation letter ko. Ang ending ay halos buong araw ko siyang nakakasama kapag wala akong shoot o go-see.

"Please, Mommy. Punta na po tayong mall," pamimilit ni Erom.

I shut my eyes and massage my temples. "Anak, ano ba kasi ang gagawin natin doon? May mga laruan ka pa naman, ah?"

He pouted his lips and ran towards his Dad. "Daddy, please?" pakiusap niya rito.

Kinarga naman siya ni Valjerome at marahan na pinisil ang kanyang ilong. "Sure. Ipapahanda ko ang sasakyan," aniya.

Napatampal na lang ako sa 'king mukha at nailing. "Valjerome, stop spoiling Erom," seryoso kong saad na may pagbabanta.

Painosente niya akong tiningnan. "What? Spoiling? Maggo-grocery rin ako kaya pupunta akong mall," kibit-balikat niyang sabi.

"Grocery your ass, si Manang ang namimili rito sa bahay!" singhal ko.

Umiwas siya ng tingin. "A-ano... nirarayuma si Manang kaya ako na muna ang mamimili," palusot niya.

"Seriously, Valjerome?" I raised an eyebrow.

Ano ang akala niya sa akin? Batang musmos na madaling mauto?

He couldn't look at me anymore and turned away with my child. "Change your clothes, we'll go after 10 minutes," I heard him whisper to Erom.

"How about Mommy?" pabulong na balik ng anak ko.

"Hello? People of the Philippines, ilang metro lang ang layo niyo sa akin. Sana naman mas hininaan niyo, 'no?" sarkastikong pagsingit ko.

Magkasabay nila akong nilingon. "Please, Mommy/ Please, Jazzie," they begged.

Napabuga na lang ako ng hininga at wala nang nagawa pa. I stood up from my seat and walked towards them. Kinuha ko si Erom mula kay Valjerome saka siya palihim na sinamaan ng tingin. Mukha naman siyang tuta na nakagawa ng kasalanan kung makaiwas ng tingin.

"Ipahanda mo na ang sasakyan, magbibihis lang kami," ani ko at saka umalis habang karga ang anak ko.


"YOU looked cute, Mom," sambit ni Erom nang ibaba ko siya sa kama.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

He smiled at me, then hugged me from my waist. "You are not hurting anymore," he whispered.

Sandali ko pang prinoseso ang sinabi ng anak ko hanggang sa mapagtanto ko ang kanyang tinutukoy. Marahan akong napalunok at napaisip sa mga nagdaang araw na nagkakasama kami ni Valjerome. Hindi ko alam kung paano iyon nasabi ni Erom, hindi ko rin alam kung totoo nga ba ang sinabi niya. Mayroon sa loob ko na sumasang-ayon at mayroon din namang tumututol. Maaaring unti-unti ko nang natatanggap ang lahat, pero hindi ko pa rin masisigurado na hindi na masakit. Nagkataon lang na hindi na ako kailanman nakapanumbat kay Valjerome dahil hindi na nagkaroon ng pagkakataon na maiwan kaming magkasama na dalawa. Sa mga panahong nagkakalapit kami ay wala kaming ginawa kundi ang magbangayan, hindi katulad noon na palaging seryoso o kaya naman ay tahimik.

Naagaw ng telepono kong nag-iingay ang aking atensyon. Kinuha ko iyon sa 'king bulsa at tipid na napangiti nang nakita ang pangalan ni Chaos.

"Si Papa po ba 'yan?" usisa ni Erom.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now