CHAPTER 55

211K 6.9K 2K
                                    

"V-Val..." nanghihina at garalgal na tawag ko kay Valjerome nang pumasok ako sa mansyon.

Agad niya naman akong sinalubong at niyakap. "It's okay, everything will be okay," pang-aalo niya habang hinahaplos nang marahan ang buhok ko.

I shook my head. "Kasalanan ko... kasalanan ko," paulit-ulit kong sambit at sumubsob sa dibdib niya dulot nang panghihina.

Tuluyan nang lumandas ang mga luha ko. Hindi ko mawari kung paano iyon nagawa ni Chaos sa akin, sa amin ng anak ko—sa batang itinuring siyang tunay na ama.

"D-Dapat ay hindi ko iniwan si Erom tulad nang nakasanayan ko," bulong na anas ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

"Ssshh. Don't blame yourself, Jazzie," usal ni Valjerome.

Muli akong umiling at saka mabagal kumalas mula sa yakap niya. Gamit ang nag-uulap kong paningin ay tinitigan ko siya.

"Hindi ko na kaya, Val. Hindi ko na kayang mawalan ulit ng anak," puno ng hinagpis kong wika.

He looked at me softly and then pulled me again for a hug. "Huwag mong isipin 'yan, Jazzie. I told you, I won't let anyone hurt you nor our son," namamaos na saad niya.

Imbes na makalma ay lalo lamang akong napahagulhol. Pakiramdam ko ay namamanhid ako sa sakit at pag-aalala. Libu-libong negatibong bagay ang pumapasok sa isip ko na hindi ko na mapigilan pa.

My poor child.

"Calm down, baby..." He kissed my head. "I will save him, promise."

"What if... what if may gawin si Chaos na masama sa kanya? Oh my God!" I shuddered with the thought of Chaos hurting my child. "V-Val... 'di ko kakayanin."

Halos kapusin ako ng hininga sa pag-iyak. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Tuluyan na akong kinain ng labis na takot sa pag-iisip ng kalagayan ni Erom.

"Jaime," rinig kong pagtawag ni Valjerome habang nakaalalay sa akin.

"Erom... my prince. Anak ko..." I uttered between my loud cries.

Valjerome caressed my back as he hugged me tight. "Sssh. Calm down, baby. Breathe," he murmured and showered my head with his kisses.

Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa naramdaman ko ang pagtusok ng kung anong bagay sa balikat ko. Nilingon ko iyon at nakita si Jaime habang may hawak na isang syringe.

"Rest, baby. I'm sorry, but I need to sedate you in order for you to calm down. Trust me, Jazzie. I will bring back our son, I promise," Valjerome's last words before darkness occupied my sight.


MOMMY?

Mommy, nasa'n ka po?

Mommy, natatakot na po ako.

Mommy, please, help me...

"Erom?" I called desperately, scanning the darkness, searching for my child. "A-anak, nandito na si Mommy. Where are you, my prince?" I continued, shaking in fear as I started to hear my son's cry.

Mommy, tulong, mommy!

Panicky, I ran in the midst of nowhere. "Erom?! Nasa'n ka, anak?" nagsimula nang magtuluan ang mga luha ko sa frustrasyon.

Wala akong makita kundi kadiliman. Sinubukan kong mangapa ngunit ni kahit anong bagay ay walang tumama sa mga kamay ko.

"Anak..." garalgal na usal ko sa gitna ng aking pag-iyak. "Nasa'n ka, anak? Nandito na si Mommy," patuloy ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora