CHAPTER 22

241K 8K 2.6K
                                    

Wala sa sarili akong naglalakad pabalik sa inuukupang silid ng dati kong asawa habang bitbit ang kapeng hiningi niya nang sumalubong sa 'kin si Stacey.

"Oh!" padaskol na abot niya ng keycards dahilan para mabigla ako at matapunan nang kaunting kape.

Napangiwi na lang ako at mabilis na tinanggap ang tatlong keycards na ibinigay niya.

Pinahihirapan na naman ako ng impakta na ito.

"Siguraduhin mo na hindi ka na papalpak, Jazzie." Pinanlakhan niya ako ng mga mata bilang pagbabanta.

"No need for that."

Pareho kaming natigilan nang may nagsalita sa bandang likuran niya. We both looked at Valjerome who's sternly watching us.

"Sir," agad na sambit ni Stacey at bahagyang yumuko bilang pagbibigay galang, ako naman ay nanatiling nakatayo dahil sa bitbit kong kape.

Nagsimulang maglakad si Valjerome palapit sa direksyon ko at saka inilahad ang kanyang palad sa harapan ko. "Give me the cards," he said.

I raised an eyebrow, but he didn't bother to pay attention to it. Sa halip ay siya na ang kusang kumuha ng mga keycard sa kamay ko. I even flinched a little when his hand touch mine.

Pagkatapos makuha ang mga iyon ay bumaling siya ng tingin kay Stacey. "I need one more housekeeper," aniya.

Nangunot ang noo ni Stacey sa pagtataka na mabilis din namang bumalik sa dati. "Noted, Sir," she mumbled and started grabbing her phone.

"From now on, I want her exclusively mine."

Napaawang ang labi ko kasabay nang pagkakatigalgal ni Stacey sa kanyang pagkakatayo.

"A-Ano po?" ani Stacey.

Valjerome stood straight and put his hand on his pocket then glanced at me. "She's my personal assistant. I need her everytime so exclude her from work—Bring the coffee to my suite," he commanded next.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang dahil unti-unti kong naramdaman ang paninitig ni Stacey sa akin.

Damn. Exclusive?

Kalalapag ko pa lang ng kape sa center table nang narinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay ng mga yabag niya. Akala ko ay diretyo siyang uupo sa couch at iinumin ang kape ngunit nagpatuloy siyang maglakad patungo sa silid niya.

Sinasabi ko na nga ba, inuutusan niya lang ako para pahirapan!

Tatalikod na sana ako at aalis nang muli siyang lumabas ng kwarto.

"May kailangan pa po ba kayo?" pormal kong usisa.

Nangunot ang noo ko nang nakita ang first aid kit na bitbit niya.

"Sit," aniya sa malamig na boses habang naglalakad palapit sa 'king direksyon.

"What?" hindi ko naiwasang sambitin.

He sighed in front of me and gently held my hand. Natulos ako sa 'king kinatatayuan at hindi agad nakakilos sa sobrang pagkakabigla.

"Next time, drop the coffee instead of hurting yourself," he softly murmured.

"W-What are you doing?" utal na tanong ko at saka binawa ang aking kamay.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now