CHAPTER 25

258K 9.5K 3.6K
                                    

"Come on, Chaos. Answer the phone," bulong na anas ko habang paminsan-minsang kinakagat ang aking kuko.

Malalim na ang gabi pero nandito pa rin ako sa veranda ng condo ko dahil sa pagsusubok kong tawagan si Chaos. Ito ang pangalawang beses na sinubukan ko siyang tawagan sa loob ng isang oras, pero nanatili lamang nagri-ring ang kabilang linya at walang sumasagot.

Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka at mangamba para sa kalagayan niya. He's not like this. Nakasanayan ko na lagi niyang kinakamusta si Erom kahit pa nakikita niya ito sa araw-araw. Kaya naman gano'n na lang ang paghahanap ni Erom ngayon sa kanya.

May masama bang nangyari sa kanya?

I badly want to call his parents to check him out, but I knew it's not a good thing. Bukod sa hindi okay ang mga magulang niya sa 'min ng anak ko ay magiging kabastusan iyon para sa kaisipan niya lalo na at nasa family gathering si Chaos.

I need your help, Chaos. Nakita na niya si Erom, mabuti na lang at ikaw ang kinikilala niyang ama. Please, call me when you're available.

I texted. Sandali ko pang tinitigan ang telepono, umaasa na biglang lilitaw ang mensahe niya pero nakalipas na ang dalawang minuto ay wala pa rin ni isang notification na lumalabas.

I shut my eyes tight and held on the railings. Pilit kong kinalma ang aking paghinga at naisip muli ang sagutan namin kanina ni Valjerome.

I am mad at him. Kahit sino 'ata ang ilagay sa sitwasyon ko ay hindi matutuwa na makita siyang muli. Aaminin ko na sa mga nagdaang taon ay sinubukan ko siyang patawarin pero may mga bagay pala talaga na hindi madadaan basta sa pagpapatawad. Masyadong malalim ang sakit. Sa loob ng unang apat na buwan kong pagbubuntis noon ay paulit-ulit akong binabangungot na hinahabol niya ako para patayin ang nasa sinapupunan ko. What he did, traumatize me a lot.

That's why I decided to keep Erom's identity hidden. Bukod sa galit ako sa kanya ay natatakot ako sa maaari niyang gawain sa anak ko. Saktan na niya ako kahit ilang beses, huwag lang si Erom, huwag lang ang anak ko.

I slowly opened my eyes and looked on my phone again. Sandali akong nagpipindot doon hanggang sa tawagan ko ang numero ng dati kong manager, si Azy.

"Himala, napatawag ka Jazzie," agad na bungad niya nang sagutin ang tawag sa ikalimang ring.

"Azy, please do me a favor," I desperately uttered.

Natahimik naman siya sandali sa kabilang linya.

"What happened?" he asked.

I let out a deep sighed and stared on the night sky. "Valjerome saw Erom today," I murmured.

I heard him dramatically gasped on the other line. "Ibig sabihin ay alam na niyang anak niya si Erom?"

"No. Alam mo naman na kay Chaos nakarehistro si Erom, 'di ba? At siya ang kinikilalang ama ng anak ko," marahan kong saad.

"Eh, ano'ng problema?" usisa niya.

I played with my fingers and turned my back against the railings. "Natatakot ako na malaman niya ang totoo, Azy. Kaya gusto ko sana na... magtago muna."

"At gusto mo na sa akin muna kayo tumigil na mag-ina? Where's Chaos? I mean, siya ang may malawak na koneksyon."

I bit my lower lip. "He's not answering his phone. Busy 'ata," bulong na tugon ko.

Azy didn't speak for a second.

"Jazzie," he talked after a while.

"Yes."

"Do you... still love him?"

I was caught off guard by Azy's question. Simula nang nakita ko ulit si Valjerome ay hindi ko iyon naitanong sa sarili ko. Bukod sa hindi naman kailangang malaman ay alam kong hindi niyon mababago ang galit at takot ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now